bc

Bully's Love Match

book_age16+
353
FOLLOW
1.8K
READ
contract marriage
badgirl
others
student
bxg
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

Alyana Dominguez, biggest bully ng Elite High.

Niccolo Madrigal, galit sa bully.

Paano na lamang kung ang bully ay ipagkasundo sa isang taong galit sa bully?

When the Bully meets the Love Match, will they find true love in the end or match made in hell ang kalalabasan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagmamadali na maglakad si Krishna sa hallway, hindi dahil mahuhuli siya sa klase kung hindi sa dahilan na ayaw niya na maabutan siya ng mga Elitista. Tiyak na pag-iinitan na naman siya ng mga iyon. Kaya bitbit ang mga libro ay nakatungo siya na maglakad papunta sa kanyang klasrum. “Aray!” sigaw ng babae na nabangga niya, “Krishna, tumingin ka nga sa nilalakaran mo.” “Pasensya na, Abbie, nagmamadali lang talaga ako.” Pagpapaumanhin pa niya rito bago palingon-lingon sa paligid. “Sige, ayos lang, pero mag-iingat ka naman din. Bakit nagmamadali ka na naman ba?" pagtatanong pa nito sa kanya. “Sorry, Abbie, alam mo naman na ayaw ko na magpaa-” Naputol ang sasabihin niya dahil may malakas na boses na tumawag sa kanya. Kasunod nito ay ang mga yabag ng takong na papalapit sa kanila ni Abbie. “Going somewhere, Krishna?!” Mataray na tanong sa kanya ng babae. Pilit siya na yumuko para hindi magtama ang mga mata nila. “Look at me when I’m talking to you!” Marahan niya na inangat ang kanyang ulo upang makita ang babae na mataray na kumakausap sa kanya. Naka-mini skirt ito at cropped top sabay nakasuot ng stiletto. Nakataas pa ang wavy nito na buhok na nakadepina sa kanyang mukha. May light make-up pero dark red lipstick. Maganda talaga ang babae at hindi maikakaila na siya ang pinakasikat dito sa unibersidad. “Hindi mo ba narinig? Kinakausap ka, nerd! Bakit hindi ka sumagot?” sabat naman ng kaibigan nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Chill, Audrey. Let Krishna relax so she can answer me.” balik sagot naman ng babae. Todo-todo ang kaba na nararamdaman niya sa ngayon. Naabutan na naman kasi siya ng grupo na pilit niya na iniiwasan. Ang grupo na walang alam gawin kung hindi ang i-bully siya at ipahiya siya. “So, again, are you going somewhere, Krishna? Hindi ba dapat ay hinihintay mo muna ang pagdating ng queen?” Taas-kilay na tanong nito. Lumapit pa ito sa kanya at inayos ang medyo magulong buhok niya. “And you know who is the queen, right?" Queen. Alam na alam niya kung sino ang queen. Ang Queen B ng Elite High ay walang iba kung hindi ang babae na nasa harapan niya ngayon. Ang babae na simula ng pumasok siya rito ay wala nang ginawa kung hindi ang pahirapan siya at pag-initan siya. Si Alyana Dominguez. Alyana Dominguez, leader ng Elitista. Elitista ang grupo ng mga tinagurian na “bully” ng Elite High. Walang hindi nakakakilala sa kanila dahil lahat ng miyembro nito ay galing sa pinakamayayaman na pamilya sa bansa. Lima ang miyembro ng mga Elitista: si Alyana Dominguez, anak ng isa sa pinakamayaman sa bansa at nagmamay-ari ng iba’t-ibang malalaking negosyo. Si Audrey Vazquez, anak ng dating sikat na artista; Princess Cavern, anak ng diplomat; Julius Falcon, anak ng retiradong pulis at si Jake Marcelino, pamangkin ng Mayor. Kilala ang grupo ng Elitista dahil mahilig nila na pagkaisahan ang mga mahihina sa unibersidad at dahil galing sila sa mayayaman na pamilya ay walang magawa ang ibang mga estudyante na pinag-iinitan nila. Ngunit sa lahat ng mga biktima nila, si Krishna Lopez lamang ang bukod-tangi na hindi nila nilulubayan. Laging galit na galit at kumukulo ang dugo ng lider nila na si Alyana kapag nakikita siya, kaya’t ginagawa niya ang lahat upang makaiwas sa grupo. Ngunit lagi naman siya na minamalas dahil hindi lumalagpas ang isang araw na hindi niya nakakasalubong ang mga ito. “I’m waiting for an answer, Krishna.” sabi pa nito habang titig na titig sa kanya. “I-Ikaw ang queen, Alyana.” nauutal na sagot pa niya. “Queen A! That’s how you should address me. At hindi ka aalis sa may hallway hangga't hindi kami dumarating. Ikaw ang gusto ko na sasalubong sa pagpasok ko sa araw-araw. Gets mo?” Tumango naman siya habang halatang-halata ang kaba niya dahil sa butil-butil na pawis sa kanyang noo. “Babe, let go, baka himatayin na ang paborito mong pet.” Sabat naman ni Jake na umakbay pa kay Alyana. Siya ang matalik na kaibigan ni Alyana. Nagtawanan naman ang iba pa nila na kagrupo habang si Alyana ay titig na titig pa rin sa mukha niya. “On the second thought, kapag sinalubong mo ako, please cover your face! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo.” Nagtawanan na naman ang mga kagrupo nito dahil sa sinabi ni Alyana sa kanya. Sa oras na ‘yon ay napapalibutan na sila ng iba pa na mga papasok na estudyante. Hiyang-hiya siya kung kaya’t nakatungo lamang siya. “My gosh, Krishna, wala ka bang manners? Hindi ka ba nasabihan ng mga magulang mo na dapat nakatingin sa mata 'pag kinakausap?” mataray na tanong naman ni Princess. “Cess, paano naman haharap kay A ‘yan itsura na ‘yan? Kung ako man ay may ganyan na pagmumukha, mahihiya ako sa ganda ni A!” sagot naman ni Audrey. “Ok girls, let’s go. Pack-up na at malapit nang mahimatay si nerd sa takot sa inyo.” Pagyaya naman ni Julius sa mga kaibigan niya. “I’m watching you, Krishna! Just know that you can’t get away from me.” Mataray na sabi pa ni Alyana saka siya binunggo sa balikat at naglakad kasunod ang mga kagrupo papunta sa klasrum. Pagkaalis ng mga Elitista ay awang-awa naman siyang tiningnan ni Abbie, “Sorry, Krish. Sila nga pala ang tinatakbuhan mo.” “Ayos lang, Abbie. Wala naman nang magbabago. Gan’on talaga. Sige, mauna na ako, baka ma-late ako.” Pagpapaalam pa niya sa kausap. Mabagal siyang naglakad patungo sa klasrum upang hindi na sila magpang-abot pa ng mga miyembro ng grupo. Nahihirapan na siya sa mga nangyayari dahil simula nang lumipat siya sa unibersidad na ito noong second year college siya ay nag-umpisa na ang panggigipit sa kanya ng mga Elitista. Kung tutuusin halos magkaka-edad lamang sila ng mga miyembro nito, pero maaga na naghari-harian ang mga ito sa eskuwelahan. Iniisip na lamang niya na huling taon na niya sa kolehiyo at 'pag nakatapos na siya ay makakalayo na siya sa mga iyon. Makakawala na siya sa pambu-bully sa kanya ni Alyana Dominguez. Nasa malalim siya na pag-iisip ng muli siyang may mabangga, “Ouch!” Napatingin siya sa lalaki na nagsalita. “I-I’m sorry.” Magalang na paghingi niya ng paumanhin. Ngumiti ang lalaki sa kanya at agad niya na napansin ang kaguwapuhan nito. Itim na itim ang kulay ng buhok nito na parang hindi sinuklay at may dimples sa magkabilang pisngi. Medyo chinito siya at may kaputian. “Sorry, Miss. Hindi kita napansin, hinahanap ko kasi ang dean’s office.” “Okay lang. Ang dean’s office ay nasa dulo ng hallway.” “I’m Niccolo by the way.” Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanya. “Senior transferee. And you are?” “Krishna. Krishna Lopez.” pagpapakilala niya rito. “Good. So we can be friends, right?” “Fr-friends? Gusto mo ako na maging kaibigan?” Muli na naman siya na ngumiti, at napakaguwapo nito sa tuwing ngingiti. “Oo naman. I like being friends with everyone. Since ikaw ang una na nakilala ko, ikaw na ang best friend ko. Pero mamaya na tayo mag-bonding baka mapagalitan ako ni dean. See you around, Krishna!” Nagmamadali na pamamaalam nito. Tumango naman siya at ngumiti. Magiging iba ang takbo ng huling taon niya sa kolehiyo. Nararamdaman niya ‘yon dahil sa pagdating ng isang kaibigan para sa kanya: si Niccolo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
254.2K
bc

Two Bad Boys Beside me (Tagalog) COMPLETED

read
275.7K
bc

Rewrite The Stars

read
100.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook