bc

She's My Slave (Completed)

book_age12+
14.6K
FOLLOW
80.9K
READ
revenge
space
sweet
campus
city
cheating
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat nang makilala ni Cyrel ang isang ultimate Heartthrob, maraming fangirls James Garcia at dahil nga sa isang hindi inaasahang pangyayari ay naging slave-slash-alipin siya ng kinaaadikan ng lahat. What will happen if one day nainlove sila sa isa't-isa?

2014

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CYREL First day of class. Nakatunganga akong nakaupo dito sa canteen. Maaga pa kasi kaya hindi muna ako dumiretso sa classroom. Hinihintay ko kasi yung bestfriend ko. Si Jessa. Nag-iisa lang ang kaibigan ko dito, Masaya nanaman ako dun eh, kahit na siya lang ang bestfriend ko. Hindi ko naman kailangan ng maraming kaibigan eh, Aanhin ko ba ang maraming kaibigan kunglahat naman sila ay hindi totoo diba? Oo nga pala. Hindi pa kami nakakabayad ni mama sa renta namin sa tinitirhan naming apartment. Every week lang nauwi si mama dahil ang trabaho niya ay isang katulong sa isang mansyon. Buti nga napapapayag niya yung amo niya para kahit papaano ay makauwi siya dito every week. Tinignan ko 'tong katabi ko, Hindi ko kilala eh, Nakaupo siya tapos nakain siya ng favorite ko na pizza. Nakakatakam naman. Inilabas ko ang coin purse kong tinahi ko lang kahapon. Nasira kasi siya, kaya ayun tinahi ko, sayang naman eh, binilang ko ang laman nun. 40 PESOS! Aanhin ko ang 40 pesos sa buong magdamag? Yan nalang ang palagi kong tanong sa isip ko eh. buti nga napapagkasya ko pa yang 40 PESOS na 'to para sa pang araw-araw ko sa pagpasok. Maswerte na rin ako kahit papano dahil Scholar ako sa paaralan na 'to kahit papano. St. Anne Academy! Mga Mayayaman, May mga gwapong boys, Magandang Girls, at Maraming Fangirls. "O- TO THE - M - TO THE - G.. GIRLS! SI JAMES AYAAAAAN NA" "KYAAAAAAAAH" "ANG GWAPO NIYA" "ANG HOT" Yan, yan ang mga  nakakarinding sigaw na halos araw-araw ko ng naririnig dito sa Academy. Fangirls ang tawag sa kanila. Ewan ko ba pero talagang bumuo pa sila ng grupo, nagpagawa ng damit na nakalagay ang pinakamamahal nilang idolo, nagwawala sila kapag nakita nila ang idol nila. Ewan ko nga ba kung bakit sila ganyan. Tinignan ko yung iniidolo nila. James yata yun. Ewan ko pero di ko siya nakikita maski ng last school year pa. Si Jessa lang kasi ang kilala ko dito. "Hi Bes!" Sa wakas at dumating na rin ang hinihintay ko. Si Jessa "Jessa. Ano yang dala mo?" Tanong ko, May bitbit kasi sita bukod sa backpack niya. "Pagkain ito at kakain tayo."  Sabi niya. Hayon! Buti naman! Kanina pa kasi nagwawala ang tiyan ko sa gutom.  Maaga pa naman kaya dito nga muna kami sa canteen. kinuha niya na yung dala niya. tag-isa kami. Pizza, Blueberry cake, at fries. Mabuti nalang at naging kaibigan ko to si Jessa, bukod kasi sa mabait siya ay maganda pa. Balita ko nga diya eh, Maraming nanliligaw pero sabi niya ay study first muna, pero sa pagkakaalam ko ay may crush siya dito sa academy, ewan ko lang kung sino, ayaw naman kasing sabihin. Mabilis naming naubos yung pagkain na dala ni jessa. Ang sarap kasi, Mabuti na rin na ganito ako, para kahit papaano ay makakatipid ako.Diba nga sabi ko kanina ay mahirap nga ang buhay, kailangan kong mag-ipon, at syempre kailangan kong mag-aral ng mabuti para matulungan ko si mama pagkagraduate ko dito. Graduating narin naman kami. 4th year high school na kami. Top Student rin pala ako, talagang pinaghuhusayan ko ang pag-aaral, para kasi to kay mama, iaahon ko siya sa kahirapan. Ang Papa ko ay matagal ng Sumakabilang buhay. 7 years old palang ako ay nawala na siya. Sa ngayon ay Medyo nakakamove on nanaman ako pero si Mama, Pag umuuwi siya sa bahay, Minsan nahuhuli ko siyang umiiyak. Tinatanong ko nga kung bakit siya naiyak eh, pero ang sinasabi niya lang, napuwing daw siya. Napapabuntong hininga nalang ako. Naiintindihan ko naman si mama eh, kahit ilang taon na ang nakalipas simula ng namatay si papa ay hindi parin naman siya mawawala sa isipan namin. kaya siguro ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makamove on. Sa totoo lang ay nahirapan din ako nung una. biruin nyo yun. 7 years old, nawala na agad ang tatay ko. Ilang taon akong walang tatay, Kaya nga iniisip ko nalang na nandyan si papa sa tabi ko, na lagi niya akong ginagabayan. Sa pagkamatay ni papa ko ay nakilala ko si jessa. Nasa playground kasi ako nun, tandang-tanda ko pa kung paano ako umiyak non, nakita ako ni jessa iyak lang ako ng iyak, tapos inabutan niya ako ng panyo. tinanong nga niya ako kung bakit ako umiiyak "Bata. Bakit ka naiyak?" Hindi ko nga to kilala eh. Sino ba 'to? "Patay na si papa" " sabi ko at itinuloy ang pagbuhos ng luha ko. Binigyan niya ako ng panyo nun, kaya ang ginawa ko ay siningahan ko ang panyo niya, kanina pa kasi barado ang ilong ko. "Salamat ah" Sabi ko tapos ibinigay ko na ang panyo niyang may sipon ko na  "Wag na bata. Sayo nalang yan. Ano nga palang pangalan mo?" Mukha naman 'tong mabait. Sige na nga papakilala na ako "Ako si Nadine. ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.  "Jessa. So friends?" Tanong niya. "Ayoko"  Sabi ko. "Ayaw mong maging friends tayo?" Nakita ko ang mukha niyang kanina ay masigla. "Ayokong maging freinds tayo. Best friends" Sabi ko sabay ngiti sa kanya. "YEHEY! Akala ko ayaw mo na talaga akong maging kaibigan" Nakakatuwa, meron na akong friend. Yun ang natatandaan ko kung paano kami nagkakilala ni jessa. kaya matagal na talaga kaming magkaibigan. Kilalang-kilala na ako sa bahay nila, alam din nilang mahirap lang kami kaya tinulungan nila kami ni mamasa pagpapalibing kay papa. buti nga at natulungan nila kami dahil kung hindi ay magtatagal pa noon si papa sa bahay dahil wala naman kaming maipanlibing sa kanya. Bata pa lang ako namulat na ako kung paano tumulong sa magulang. Natatandaan ko kapag wala akong assignment na ginagawa ay tinutulungan ko si Aling Perla sa tindahan niya. Hindi pa katulong si mama nun kaya ang trabaho niya ay maging isang labandera. buti nga at kumakasya sa amin ang perang kinikita niya. "Hello, Cyrel? Kanina pa ako nagsasalita dito…" Madami na pala akong naiiisip kaya hindi ko namalayan na nagsasalita pala si jessa. "Tara na, Nagbell na, baka mahuli pa tayo sa class" Sabi niya Tumayo na kami at nagumpisang maglakad, nandito kami sa hallway papunta sa magiging room namin. Section A kami, meaning highest section kami. "OMG! Girls, Classmate pala natin si James" Narinig kong sabi ng mga taga Section B. Pumasok na kami sa classroom namin, buti naman at wala pang teacher. Pumunta sa harapan namin si Joyce. Ang impostorang babaeng walang magawa kung hindi ang pansinin ang ibang tao. "Ayan na pala ang mga panget" Hindi ko pinansin ang sinabi ni joyce. Inilapag ko lang ang bag ko sa upuan at umupo na, ganun din si jessa, hindi naman kasi kami napatol sa mga mukhang katol. Dumating na rin yung teacher namin sa Math kaya bumalik na si Joyce sa upuan niya. Ako naman ay nakinig na sa teacher namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

A Night With My Professor

read
496.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook