bc

My Girlfriend Is A Secret Agent (FREE)

book_age12+
7.2K
FOLLOW
22.8K
READ
billionaire
sex
one-night stand
fated
brave
police
genius
nerd
sniper
nanny
like
intro-logo
Blurb

Isang dalagang secret agent ang naatasan na bantayan ang isang sikat na binatang businessman na isa ring Mafia Boss. Ang mission ng dalaga ay bantayan ang galaw nito para sa kaligtasan ng lahat.

Paano nalang kung nahulog na sila sa isat isa at di naisip na sila ay mag mortal na magkalaban....

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa labas ng Warehouse dito sa lungsod ng Manila. Madilim ito at malayo sa mga maraming tao ang nakapaligid sa warehouse ay puro mga damuhan at sa di kalayuan ay ang mga bahay. Madilim na doon ng may isang babaeng nakatingin sa harapan ng abundanadong warehouse bigla siyang napangiti at makikita dito ang mga ginawa niya sa mga nagbabantay puro tulog lahat dahil sa silenser niya na baril na may balang kayang magpatulog ng tao at agad tumakbo sa likod ng warehouse at may tinapon siyang lubid sa taas at umakyat siya gamit ang lubid. Nang makaakyat na ang dalaga agad niya pinindot ang maliit na button sa eyeglasses niya at bigla nalang lumapit ang tinitingnan niya ngayon. Nakita niya na may mga druga sa mesa at nakita din niya na ginagamit na nila ang druga sa pamamagitan ng pagsimhot nito. "Tsk tsk druga nga naman." Sabi nito at pumasok na siya at bumaba. Nagtago siya sa madilim na parte ng warehouse. At bigla siyang pumunta sa entrance door at nilagyan ng lock ang pintuan na hindi nila nalalaman at pati sa exit. Tapos bumalik sa lugar nito at tinapunan sila ng teargas na pampatulog at nagdala siya ng rope gun yun yung once ibaril mo siya may lalabas na lubid at pwede kang dalhin kung saan mo pinaputok ang baril. Pinaputok niya ito sa taas at napaakyat siya doon at tiningnan ang nasa baba na nagpapanik at pinipilit na binubuksan ang pinto pero di ito nabuksan hanggang sa nakahiga sila sa sahig. Nang mawala na ang usok bumaba siya at tiningnan ang mga natutulog na mga lalaki. Nang may naramdaman siyang baril na kumasa agad siyang napaiwas at nanggaling yun sa taas. Agad siyang nagtago sa may dingding nagisip siya kung anong gagawin niya nang may naisip siyang paraan. Agad siyang nakakita ng gulong kaya itinapon niya ito kaya ayun pinagbabaril ang gulong habang siya tumakbo sa kabilang pader at nagpasmile siya nang nahulog sa patibong ang kalaban niya at agad tinapunan ng kutsilyo na kina headshot ng kalaban. "Mission accomplish." Nakangiting sabi nito at di katagalan dumating ang mga pulis. At agad pinagdadakip ang mga tulog na mga drug user. "Your great Agent Ace, nahuli mo ang Top 1 na mga drug lords ng manila." "Wala ho yun ang saakin lang ginawa ko lang trabaho ko bilang isang agent, Chief." Siya ang dalagang kayang maging investigator, police, actress o maging secret agent. Sa mura niyang edad ito na ang libangan niya tumutulong siya sa mga police at malaking pasasalamat ng mga police sa kanya dahil malaki ang pakinabang nito sa kanilang lungsod. Siya si Marieneth Francesca Meyers nasa 18 taong gulang isang half pinay and half american. Matalino, madiskarte, maganda, mabait, kadalasan may pagkacold kung wala sa mood, at siya din ang kinatatakutan ng batch nila dahil sa mga matang kayang maghepnotize ng tao. Nasa mga 5'6 ang height nito at 45 ang weight nito, mahaba ang buhok hanggang likod at brown ang kulay nito, malabarbie ang mukha at ang katawan nito ay pangmodel na pwede na ding ilaban sa miss universe. Ang mga lolo niya ang inspirasyon niya sa propesyong kinuha niya pero pumanaw na ito nung nasa 15 taong gulang palang siya. Isa din sa mga magagaling noon ang lolo niya hanggang sa mag retire at nagkapamilya. Sa kanilang pamilya may isa siyang kapatid at yun ay si Martin France Meyer matanda ito sa kanya ng tatlong taon at isa na itong doctor sa isang pinakasikat na hospital dito sa manila. Ang mga magulang niya ay nasa paris dahil sa doon nakatayo ang main company nila kaya doon busy ang dalawa at sa isang linggo kadalawang beses nagkikita ang magkapamilya. Kaya ngayon silang dalawa ng kapatid nito ang nakatira sa mansyon nila. Nagsakay sa kanyang motor pauwi ang dalaga di ito ang unang beses na nakadakip siya ng nga mabibigating mga taong di sinusunod ang batas sa katunayan ika 98 na kaso na ang nasulusyunan niya at ika 99 na ito. Sigurado kung makakalutas nanaman siya ay madadagdagan nanaman ang kanyang ranggo. Sa batang edad nito ay isa na siyang isa sa mga ginagalang sa kanilang headquarters. Nang makarating siya sa mansyon agad niya itong pinark sa paking area nila may ibat ibang kotse ding nakapark doon sa katunayan mga 28 ang kotse niya dito at 16 na motor bike na binili niya mismo sa sariling pera nito. Bored siyang pumasok sa loob at binati siya ng mga katulong nila. Tumango lang ito at nagpatuloy sa paglalakad nang... "Oh, kapatid kumusta na ang buwis buhay mo nanamang misyon okey na ba?" Napatingin siya sa kanyang nakakatandang kapatid na nakaupo sa sofa habang may hawak na laptop na busy sa pagta type ng mga files sa hospital. "Yeah." "Mabuti naman dahil ako ang unang aatakehin sayo sa mga mission na yan. Nagaalala nako sayo sa mga pinaggagawa mo." "Sabi ko bang mag alala ka saakin?" Napatingin ang kapatid nito sa kanya at inilapag ang laptop na hinawakan nito at lumapit sa kapatid nito na nakatayo malapit sa hagdan. Hinarap niya ito at tiningnan nito ang mga matang kinatatakutan ng lahat. "Bilang kapatid mo nag aalala ako sa kaligtasan mo kaya... sa akin lang iwasan mo ang bala para saakin." Seryosong sabi ng kapatid nito sa dalaga. Napakunot ang noo nito at nagsalita. "Sinong tanga ang magpapatama sa bala ha. Abnormal na ako kung isasalo ko ang bala na papalapit saakin. Syempre katawan ko ito di ako hahayaang matamaan man ako ng balang yan." "Ikaw talaga... walang pinagbago coldhearted parin. Gusto ko yung sweet na Marieneth ko." Napataas ang kilay ng dalaga at tumalikod. "Pag full moon baka lumabas." Umakyat na ang dalaga sa hagdan. Napangiti na nakatingin ang kanyang kapatid at napailing. "Marieneth, may pagkain sa dining room kumain ka lang tapos na akong kumain." "Busog ako." Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga at napailing nalang ang kapatid nito at umupo balik sa sofa at itinuloy ang ginagawa. Habang ang dalaga ng makapasok sa kwarto niya agad niyang ibinagsak ang sarili sa higaan. Napaisip siya sa susunod na mangyayari bukas. Napapansin nito na ang la-lighten ng mga mission nito wala na bang mas mabigat sa mission niya ngayon? Di niya napansin sa kapaguran nakatulog na ito sa kama niya. ******* LMCD

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
297.6K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook