bc

Ex-Convict: Deangelo Mondego (Filipino)

book_age16+
5.2K
FOLLOW
38.2K
READ
possessive
escape while being pregnant
pregnant
arrogant
badboy
powerful
mafia
drama
comedy
highschool
like
intro-logo
Blurb

Deangelo Mondego is an ex-convict. A heartless one. His eyes are full of emotions that no one can explain. He can do everything in just a snap of his finger. And he is the manipulative man that even you would never want to be one of his toy..

Ember Rose Nobleza is a high-school student. A province girl. The Lola's baby girl. She's too innocent from everything. For her, all the people she met is her friend. Until one day, she met this manipulative man.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ember's POV          PAUWI na ako mula sa school. Ginabi na ako dahil kailangan ko pang tapusin ang report ko sa library. Wala kasi akong libro kaya kailangan ko na sa library gumawa dahil kumpleto roon at may computer na libre mong magagamit. Napatingin ako sa suot kong relo. Napamura ako nang makitang pasado alas-otcho na ng gabi. Tiyak na nag-aalala na si Lola Mercedez sa akin. Ito kasi ang kauna-unahan kong pag-uwi ng gabi. Hindi sanay iyon na umuuwi ako ng late. Binilisan ko na ang paglalakad para makauwi agad. Nakakaramdam ako ng takot dahil madilim sa dinaraanan ko. Hindi ako sanay ng naglalakad mag-isa lalo na at gabi. May iilan akong nakakasalubong pero mga hindi ko naman kilala. Mga taga-ibang baranggay siguro sila. Gusto kong umatras nang maalala ko na ang dadaanan ko ay medyo magubat at madilim na mas'yado roon. Kung di naman ako agad uuwi, saan ako tutuloy? At ayokong mag-alala ang Lola sa akin. Huminga ako ng malalim bago mas binilisan ang lakad papasok sa magubat na daanan. Naka-ilang sign of the cross na ba ako? Ah basta! Lord, please po. Keep me safe po hanggang sa makauwi ng bahay. O kahit po may makasalubong lang ako na kakilala ko na makakasabay ko sa paguwi. Dasal lang ako ng dasal at paulit-ulit lang din ang sinasabi ko nang makarinig ako ng rumaragasang sasakyan. Napatingin ako sa taas at sasakyan nga iyon na mahuhulog dito sa kinalalagyan ko. Bundok itong lugar namin at ang kinalalagyan ko ay bangin na. Habang sa taas ay tanaw mo ang high-way kung saan iba't-ibang sasakyan ang dumaraan. Sa taranta ko ay hindi ako agad nakagalaw. Pumikit na lamang ako at hinintay ang pagtama ng sasakyan sakin pero makaraan ang ilang segundo ay wala akong naramdaman. Pero napatalon ako sa gulat at napadilat nang marinig kong tumama ang sasakyan sa isang puno. Umusok iyon at namatay. Tatalon na ata ang puso ko sa takot at kaba. Unti-unti ay lumakad ako papunta sa kinaroroonan ng sasakyan. Baka buhay pa ang sakay niyon. Nang makalapit ako ay sumilip ako sa bintanang bukas at isang lalaki ang nakita ko. Duguan ito at walang malay. Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse niya at mabilis na hinagilap ang pala-pulsuhan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ito. Buhay pa siya. Tinapik ko ang pisngi niya. Sa una ay hindi talaga siya nagre-response pero makaraan lamang ng ilang sandali ay umuungol na ito bilang sagot. "Manong, naaksidente po kayo. Gumising na po kayo para masamahan ko kayo sa pagamutan." Ramdam ko ang panghihina niya dahil hindi niya maidilat ng maayos ang mga mata niya gustuhin man nito. "Fuck! I'm so careless!" Sambit nito habang napapangiwi sa pag-galaw. Sigurado akong masakit ang katawan niya. "Manong, dadalhin ko kayo sa pagamutan. May alam po akong--" "Where am I?" Putol nito sa sinasabi ko. Lumilibot rin ang mga mata nito sa paligid. "Nasa partes po kayo ng Nueva Vizcaya at nalaglag po ang sasakyan n'yo po dito sa bangin. Mabuti nalang ho at hindi kayo napuruhan." Npatingin siya sakin at napatitig na ikina-ilang ko. "Who are you?" "P-po?" "Nevermind! Just--- fuck!" Daing niya at pilit hinihila ang paa niyang naipit. "Can you please help me?!" Pasinghal niyang sabi sakin na ikina-taranta ko. "O-opo!" Ani ko at mabilis siyang nilapitan. Ipinasok ko na ang katawan ko sa loob ng sasakyan niya at hinanap ang binti niya. Mabilis ko iyong hinawakan at hinila pataas para matanggal sa pagkaka-ipit. "Damn! Make it slow! You're hurting me more!" Sigaw niya sakin. Umalis ako mula sa pagkakayuko at nameywang sa harapan niya. "Hindi ko kaya na ialis 'yang paa n'yo d'yan kung hindi mo rin po tutulungan ang sarili mo. Kasi kung dadahan-dahanin ko ang paghila sa binti mo mas mararamdaman po ninyo ang sakit." Nailang ako nang mapatitig siya sakin. Nag-iwas ako ng tingin at inilinga ang mga mata ko sa paligid. Bakit yata walang dumaraan ngayon na tao? Para sana makahingi ng tulong. "Okay. But please, make it faster." Napatingin ako sa kaniya at'saka tumango. Muli kong sinubukan na tanggalin ang binti niya. Sa una ay dahan-dahan lang muna hanggang sa siya na mismo ang humila pataas ng binti niya kahit dumadaing siya sa sakit. Rinig ko pa ang pagmumura niya. Napatalon pa ako sa gulat nang bigla niyang iakbay sa balikat ko ang mabigat niyang braso. Nakangiwi siya habang marahan na kumikilos palabas ng sasakyan niya. Hindi na ako nagdalawang-isip na tulungan siya para mapadali. Hinawakan ko siya sa beywang niya habang ang isa niyang kamay ay hinawakan ko sa pala-pulsuhan upang magabayan siya sa pagkilos. Inilayo ko ng bahagya ang dibdib ko sa kan'ya dahil halos magdikit na ang mga katawan namin. Kapag nalaman ito ni Lola ay tiyak na mapapagalitan ako. Nang tingalain ko siya ay nakakunot ang noo niya sakin. Mukhang napansin niya ang ginawa ko. Hinagod niya ang dibdib ko ng tingin bago ako inirapan. "Hindi ako magnanasa sa pader." Ani niya na ikina-kunot ng noo ko. "Ano ho 'yon?" "Wala! Nasaan ba ako? May malapit bang hotel dito?" Tanong niya habang nakaakbay pa rin sakin at lumilinga sa paligid. "Naku. Sa kabilang bayan pa po ang hotel. Isang oras at kalahati pa po ang biyahe." "Fuck! Then, iuwi mo muna ako sainyo. Ngayong gabi lang ako makikituloy. Babayaran nalang kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na umiling. Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sakin at lumayo sa kan'ya. Kunot na kunot ang noo niya habang tinitingnan ako. "Hindi po maaari. Magagalit po ang Lola ko." "And why? Wag mong sabihin na iiwan mo ko dito na ganito ang sitwasyon?" Angil niya. Napalinga naman ako sa kinaroroonan namin. Madilim at wala man lang tao na dumadaan. Napatingin rin ako sa sasakyan niyang wasak na. Mabuti nalang at nakaligtas siya. Kaunting galos lang ang tinamo niya. "Pwede ka naman sigurong matulog diyan sa likuran ng sasakyan mo," suhestiyon ko. Napaatras ako nang magdilim ang mga mata niya sa galit. "Don't make me repeat myself again. Sa bahay mo ako makikitulog ngayong gabi," galit niyang turan sakin bago mag-umpisang maglakad ng iika-ika. Hindi ako makakilos sa sinabi niya. Hindi siya pwedeng umuwi sa bahay dahil tiyak na magagalit si Lola. Naramdaman niya sigurong hindi ako sumusunod kaya't huminto siya sa paglalakad at nilingon ako habang nakakunot ang noo. "Huwag mong hintayin na kaladkarin kita pauwi sainyo." Napaatras ako nang magsimula siya lumakad pabalik sa kinaroroonan ko. Taranta akong tumango sa kaniya. "O-oo na! Susunod na ako." Kita ko ang pagngisi niya bago inilahad ang daan sa akin. "You walk first, hindi ko alam kung saan ang bahay mo." Napalunok ako at marahan na tumango sa kaniya. Ang mga kamay ko ay nasa dibdib ko sa sobrang takot at kabang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Lola sa mga oras na ito. Huminga ako ng malalim at nilingon ang estranghero. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay tinaasan lang niya ako ng isang kilay niya. Agad akong nag-iwas sa kaniya ng tingin ay binigyang pansin ang nilalakaran. Nag-iisip ako kung paano ko sasabihin kay Lola na may kasama akong lalaki. Pero siguro naman kapag sinabi kong naaksidente ang lalaking kasama ko ay baka hindi niya ako pagalitan. Oo, tama. Matutuwa pa siya dahil nakatulong ako sa kapwa ko. Tanaw ko na ang bahay namin na bukas pa rin ang ilaw. Tiyak na naghihintay si Lola sakin. Nang makalapit kami sa bakuran namin ay nilingon ko ang lalaking lumilinga ang mga mata sa kabuuan ng aming munting tahanan. "M-manong, sandali lang po. Ipagbibigay alam ko muna kay Lola na may kasama ako. Ayokong mabigla siya kapag nakita ka niya," ani ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Bakit mabibigla ang Lola mo?" "K-kasi po... lalaki ka. Ipinagbabawal po ng Lola ko na sumama ako sa lalaki kahit pa kaibigan ko ito. Tapos ngayon, isa ka pong estranghero at inuwi kita dito sa bahay kaya po siguradong mabibigla siya." Napalunok ako nang humagod ang mga maiinit niyang mata mula sa paa ko hanggang sa mukha ko bago ngumisi at tumango. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya pero tinalikuran ko na lamang siya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. "Lola, nandito na po ako," tawag ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa kusina ngunit wala siya doon. Dumiretso ako sa kwarto niya dahil baka natutulog na siya ngunit wala rin siya doon. Nagtataka kong nilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay namin. Wala si Lola?. Mabilis akong nagpunta sa sala at baka natutulog siya sa sofa na hindi ko napansin pero wala. Ang napansin ko ay ang isang puting papel na may sulat kamay ni Lola. "Apo, pasensya kana kung umalis ako na hindi kana nahintay. Uuwi rin ako bukas ng hapon. May kinailangan lang akong ayusin dito sa bayan. Sinundo ako ng isa kong kaibigan. Ipinagluto na kita ng pagkain mo. Mag-iingat ka dito." Napapikit ako sa nabasa ko. Paano ko ipapaalam kay Lola na magpapatuloy ako ng isang estranghero dito sa bahay? Ibinaba ko ang sulat sa lamesa at minabuting lumabas muli. "M-manong," nauutal kong tawag sa kan'ya. Nakakunot na naman ang noo niyang tumingin sakin. "Ano? Pumayag ba?" Umiling ako. Nagtiim-bagang siya sa sinagot ko bago iika-ikang lumakad papunta sa direksyon ko. "T-teka po!" Pagpigil ko sa kan'ya. "Hindi ka po pwedeng pumasok." "Ako ang kakausap sa Lola mo." Malamig niyang sabi bago ako nilagpasan at pumasok sa loob ng bahay. Taranta naman akong sumunod sa kan'ya. "Manong, sandali po! Wala po si Lola dito kaya p---" "Wala siya?" Paniniguro niya. "O-opo." "Great! Dito ako matutulog ngayon. Don't worry, magbabayad ako." "H-hindi po pwede! Lumabas na po kayo kasi---" "Kasi?" Nakangisi niyang sambit. "Kasi magagalit si Lo---" "I don't care. I'm tired, miss...?" "Ember po." "Miss Ember, pagod ako at hindi pa kumakain. Please let me sleep here tonight. I'm not a bad person." Napakagat labi ako sa tinuran niya. Kita ko pa ang pagsulyap niya sa labi ko pero hindi ko iyon binigyang pansin. Nag-aalala ako sa galit ni Lola. Napaatras ako ng kaunti nang hawakan niya ako sa ulo at guluhin ang buhok ko bago yumukod para magpantay ang mukha namin. "Goodnight, Ember." Sambit niya bago naupo sa sofa namin at tinanggal ang sapatos niya. Tinalikuran ko siya at dumiretso sa kusina upang kumuha ng pagkain naming dalawa. Ayoko namang matulog siya ng gutom. Nang makita ko ang ulam na niluto ni Lola ay nag-alangan akong ihain iyon sa kan'ya. Halata naman kasing mayaman siya at may tindig. Sa aura palang niya sumisigaw na sa karangyaan ay siguradong hindi siya kumakain ng sardinas na may talbos ng kamote. Napahinga ako ng malalim bago siya binalikan. Napakunot ang noo ko nang maabutan siyang may dinudutdot sa cellphone niya. Kunot ang noo at gigil na gigil hanggang sa ibato niya ng malakas sa pader ang cellphone niya. Napatalon ako sa gulat. "Fuck!" Mura niya habang sinasabunutan ang sarili. Lumapit ako sa cellphone niya at kinuha iyon. Nagkaroon ng basag sa screen ngunit gumagana pa naman siya. "It's fucking useless! Wala man lang masagap na signal dito!" Sigaw niya na ikina-kaba ko. Ibinaba ko na lamang ang cellphone niya sa lamesa bago siya lapitan. "What?!" Singhal niya sakin bago niluwagan ang necktie niya. Tinanggal din niya ang tatlong butones ng suot niyang polo shirt dahilan para makita ko ang malapad niyang dibdib. Napalunok ako at tumalikod sa kan'ya. "Kumain po muna tayo bago ka matulog," ani ko at mabilis siyang tinalikuran at umuna na sa kusina para maghain. Sakto nang pumasok siya sa kusina ay nakahain na ako. Nag-iwas akong muli ng tingin sa kan'ya. Hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa bahay kaya naiilang rin ako nang makita ang dibdib niya. "Ano 'to?" Marahan niyang tanong at pinagmamasdan ang ulam na nakahain. Napalunok ako at napayuko. "Sardinas na may talbos ng kamote. Pasensya na kung iyan lang ang maihahain ko sa'yo," sambit ko. "That's okay. Mukha naman siyang masarap," napatingin ako sa kan'ya at nailang ako nang makita ko ang kakaiba sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako. "Ember Rose Nobleza," napatitig ako sa kaniya na may halong pagtataka. Paano niya nalaman ang buo kong pangalan. "It's on your diploma right there," turo niya sa diploma kong nakasabit sa pader namin na nasa sala at tanaw sa kusina namin. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Do you have a boyfriend?" "W-wala po. Bawal po," sagot ko bago sumubo ng kanin. Pinasadahan niya ng daliri niya ang mapula niyang labi na ikinalunok ko at nag-iwas ng tingin. Muli lang akong napatingin sa kan'ya nang magsalita siya... "Thank you, My Ember..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.4K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook