bc

Alena Alejandro: A Steamy Affair (R-18)

book_age18+
24.5K
FOLLOW
146.1K
READ
forbidden
possessive
sex
one-night stand
love after marriage
arrogant
goodgirl
mistress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Alluring Series #1

SPG! Read at your own risk.

Alena, 25, is married to an older man, Liam, who is 35 years old. Alena is the epitome of beauty and it was the reason why Liam married her. Liam is a business man and a very competitive person. He wants Alena to be a stay at home wife. As Liam gets busier managing their business, Alena feels neglected and unappreciated because she is just in the house doing what a wife should do. They always fight whenever Liam goes back home. Alena feels that Liam married her only for her beauty. Lonely and broken, Alena happened to meet Lance in the supermarket. Lance is a 28 year old gym trainer who is waiting for his diploma in culinary arts. The attraction both Lance and Alena have for each other grows as they accidentally meet again in El Nido.

*This story is written in Tagalog.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Ang ganda naman ng asawa mo. Young and fresh.” Dinig kong sabi ng isang lalaking pinsan ni Liam. Si Duke. May asawa na si Duke at nasa early thirties na pero feeling bata pa rin siya. Tiningnan ko ang asawa niya na nakaupo sa di kalayuan. Mukha itong stressed at malungkot. Paano ba naman, babaero itong napangasawa niya. Naaawa ako sa kalagayan niya. Naaawa rin ako sa kalagayan ko. Katulad niya, nakaupo lang rin ako dito sa loob ng sala habang nagkakatuwaan sina Liam, Duke, at iba pa nilang pinsan at mga kaibigan. Mabait ang asawa kong si Liam. May business siya na namana niya sa kanyang pamilya at iba pang business na siya na ang nagpatayo. Mas matanda sa akin ang asawa ko ng sampung taon. Tumingin sa akin ang asawa ni Duke at nginitian lang ako. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino rito dahil alam ko namang hindi sila interesado sa buhay ko. Palagi na lang ganito. Sinubukan kong i-text si Liam na gusto ko na magpahinga at umuwi. Mahigit apat na oras na kami dito at sa loob ng apat na oras na iyon ay nakaupo lang ako dito na parang display. Tumingin ako kay Liam para makita kung nareceive niya ang text ko. Napangiti ako dahil kinuha niya iyon sa bulsa ng pants niya pero ibinalik rin agad nang mabasa kung sino ang nagtext. Nawala ang ngiti ko nang gawin niya iyon. Naluluha ako dahil pakiramdam ko hindi ako importante sa kanya. Ano pa’t pinakasalan niya ako. Dahil sa inis, nag-text akong muli sa kanya at sinabi na uuwi na ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi na ako nagpaalam kahit sa magulang niya at pasimple akong lumabas sa bahay nila. Lumakad ako sa side walk at pumara ng taxi na saktong papalabas na ng village. “Saan po tayo, ma’am?” Sinabi ko ang address ng bahay namin ni Liam at makalipas ang thirty minutes ay nakarating rin. Hinagis ko ng bahagya ang bag ko sa sofa pagkapasok ko sa loob at dumiretso sa kwarto. Pabagsak akong dumapa doon at nakaidlip ng mahigit isang oras nang marinig ko ang malakas na kalampag ng pinto ng kwarto. “Magpaalam ka man lang sana sa magulang ko na uuwi ka. Hindi yung basta-basta ka na lang umaalis ng walang paalam sa kanila.” May halong galit sa boses ni Liam. Nagpameywang pa ito sa harapan ko. “Nag-text ako sayo na uuwi na ako. Pero hindi mo naman pinansin.” Umupo ako sa gilid ng kama. “Nakikita mo naman na kausap ko pa ang mga pinsan ko. Ngayon na lang kami nagkita-kita ulit at pinag-uusapan ang business. Hindi mo man lang ako mapagbigyan!” Nataasan na niya ako ng boses. Ito na ang pang-limang beses na tinaasan niya ako ng boses. At kita ko sa kanya na nagulat rin siya sa sarili niya pero hindi na ito nanibago pa. Masakit para sa akin na ginaganito na lang ako ng asawa ko ngayon na hindi naman niya ginagawa noong bagong kasal lang kami. Pakiramdam ko mali na naman ako sa naging aksyon ko. “Alena naman. Hanggang kailan mo paiiralin ang pagka-immature mo?” At doon na napatid ang pisi ko. “Liam, asawa mo ako! Hindi mo man lang ako iniintindi! Hindi ako gagawa ng isang aksyon kung binibigyan mo ako ng pansin!” Naluluha kong sambit. “Naiintindihan kita sa sinasabi mo. Pero ang hinihingi ko sayo ay konting pasensya!” Balik nito sa akin. “Ilang beses na akong nagpapasensya sayo! Hindi ko maramdaman ang halaga ko bilang asawa mo!” Ang akala ko ay maiintindihan niya ako. Mas lalo itong nagalit sa akin. “Ano? Hindi ba sapat ang binibigay ko sayo para sa mga luho mo? Kailan ako nagkulang sayo? Lahat ng gusto mo kahit hindi mo hingin ay binibigay ko! Sabihin mo sa akin ngayon na hindi ka mahalaga!” Tuluyan na akong napaiyak at napahilamos sa mukha ko. “Hindi mo ako maintindihan, Liam. Bakit ganon,” nagsusumamong sambit ko. Tumalikod ito sa akin at nag-isip. Pagkatapos ay humarap sa akin. “Aalis muna ako. Matutulog muna ako sa amin. Kapag okay ka na, tsaka ako uuwi. Ayokong makipag-away sayo. Marami na akong iniisip. Huwag ka na sanang dumagdag.” Pagkasabi niya noon ay umalis na siya ng bahay. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Tumayo ako at pumunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso at ininom ito. Bumalik ako sa sala para kunin ang phone ko sa bag ko at tinawagan si Katie. Makalipas ang tatlong ring ay sinagot niya ito. “Yes, bakla— oh, bakit ka umiiyak?!” Sigaw nito sa kabilang linya. “Katie, pwede ka bang pumunta dito sa bahay?” “Nako, mamaya pa ako makakapunta. Nasa shop pa ako ngayon walang tatao dito. May sakit kasi yung trabahador ko at ako lang ang tao ngayon dito. Hintayin ko lang yung oras didiretso ako diyan. Kaya ba, baks?” “Walang problema. Hintayin kita dito.” “Wag ka nang umiyak diyan. Sayang ang ganda mo. See you later, bakla. End ko na muna may customer ako.” Aniya na nagmamadali. “Sige,” mahina kong wika ko naman sabay patay sa call. Sa loob ng dalawang oras na paghihintay ay naligo muna ako at nagpalit ng pambahay na damit. Parang nakapantulog ako na spaghetti strap at silk na tela ang damit ko. Narinig ko ang doorbell habang nasa kusina ako at nagluluto ng sinigang para sa aming dalawa ni Katie. Pinapasok ko si Katie sa bahay at niyakap ko siya agad. “Baka mapisa naman ako sa higpit ng yakap mo, baks.” Wika niya. Matapos ko siyang yakapin ay iniabot niya sa akin ang dalawang milktea na binili niya. “Alam mo talaga ang paborito ko. Salamat, Katie.” Ngiti ko sa kanya. “Oh, ano na naman bang nangyari, ha?” Tanong nito sabay upo sa dining area. Bumalik ako sa niluluto ko. “Si Liam. Pakiramdam ko hindi naman niya ako mahal. Parang pinakasalan niya lang ako dahil maayos naman ang pinag-aralan ko at pwedeng i-display.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook