bc

Until She Was Gone

book_age18+
1.3K
FOLLOW
11.4K
READ
one-night stand
arranged marriage
confident
drama
tragedy
others
multiple personality
model
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

SPG.

Isang sikat at mayaman si Ariana. Alam ng karamihan na siya ay laging masiyahin at walang problema ngunit sa pagiging masiyahin niya ay may tinatago pala siyang hinanakit lalo na sa Pamilya niya.

Pagod na siyang maloko at saktan ng mga taong mahahalaga sa kaniya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Jacob. Ang lalaking akala niya ay siyang magbubura ng sakit na nararamdaman niya sa kaniyang nakaraan. Ang lalaking akala niya'y muling magpapasaya sa kaniya ngunit hindi niya alam na ang lalaking ito ay dodoblehin pala ang sakit na naramdaman niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Aria Masaya naman talaga magmahal, lalo na kapag alam mong nasa tamang tao ka. Masarap magmahal kapag alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Masarap magmahal kapag alam mong sayo lang siya at sa kaniya ka lang. Masarap magmahal kapag alam mong ikaw lang at wala ng iba. Pero totoo nga bang kapag mahal ka, hindi ka sasaktan? Kasi ako? Hindi ko na alam ang salitang pagmamahal. "Aria!" tawag sa akin ni Noah nang makita akong nag-iisang nakaupo sa VIP table. Napanguso ako nang lumapit siya sa akin at agad akong inakbayan. Amoy ko kaagad ang alak sa katawan niya kaya bahagya ko siyang tinulak. "Nakailang babae ka na ngayong gabi?” tanong ko at bahagyang natawa. Nasa bar kami ngayon dahil napag-pasyahan namin na pumunta rito bago ako tuluyang umuwi ng Pilipinas. Ngayong gabi ko lang din ulit masusulit at mararamdaman ang pagiging normal na tao. Walang paparazzi at walang nanggugulo sa akin. My glam team are also here but they're with some professional glam team too. Hinayaan lang nila ako dahil katulad ko namang mga celebrities ang narito, isa pa kasama ko naman ang mga kaibigan ko. "Well, I found someone there. She's so hot and pretty but I don't like her attitude," sabi ni Noah at napangiwi pa. Natawa ako at nagsalin ng tequila sa baso ko. Noah is one of my best friend at masasabi kong habulin siya ng babae dahil sa pagiging magandang lalaki niya. He's tall and moreno, mayaman at gwapong-gwapo. Marami na nga akong nakaaway na babae dahil kung hindi girlfriend ang tingin sa akin ay kabit. Sabay kaming napaangat ng tingin ni Noah nang makita namin si Claudia na papalapit sa amin gamit ang busangot na mukha. "Anong mukha 'yan?” tanong niya at halos humagalkpak ng tawa si Noah nang makita ang kaibigan namin. Masama siyang tinignan ni Claudia at itinaas ang gitnang daliri sa ere kaya pati ako ay natawa dahil mukhang badtrip siya ngayon. Padabog siyang umupo sa tabi ni Noah at bahagya niya itong sinapak sa balikat. "Woah! Huwag ako, Claudia. Kung na-basted ka ni Damon Salvatore, huwag akong saktan mo,” sabi ni Noah pagkatapos bahagyang lumayo pero bakas pa rin ang pang-aasar niya roon. Mas lalong sumingkit ang mata ni Claudia at kita ang pamumula ng pisngi niya dahil siguro sa nainom na alak. "Nakakainis! Mas maganda pa ako sa babaeng 'yon!” inis na sabi niya at napabuntong-hininga. Halata nga ang inis sa mukha niya at para bang natalo siya ng malaki sa lotto. Nagkatinginan kami ni Noah at pinigilang matawa dahil sa sinabi ng kaibigan. Claudia is also my bestfriend at silang dalawa lang ni Noah ang malapit sa akin at napagsasabihan ko ng problema kahit pa marami akong kaibigan. "Mas maganda ka nga. Ang problema lang ay hindi ka niya gusto," banat ni Noah at muling napahalakhak sa sarili niyang kalokohan. Muli siyang nakatikim nang pambubugbog mula kay Claudia kaya tinawanan ko na lang sila. Ganito kaming tatlo at sanay na sanay na kami sa mga ganitong asaran kaya walang napipikon sa aming tatlo. "Diyan ka magaling, Noah! Kaya ka na-ghost ni Klaire, e!" sagot sa kaniya ni Claudia at muling hinampas ang kaibigan. Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi ni Claudia. Napailing na lang ako at muling uminom dahil hanggang ngayon ay ako na lang yata ang hindi tinatablan ng alak. "At least nakausap ko nang isang buwan. Ikaw basted agad," muling sabi ni Noah kaya napairap na lang si Claudia at itinuon ang sarili sa phone. Napangisi na lang ako at muling napailing. Maraming manliligaw si Claudia kahit noong high school at college pa lang kami pero isa siya sa mga babaeng baliw na baliw kay Damon Salvatore hanggang ngayon. We all know that he's a playboy back then and I think until now, magkaiba ang University namin noon pero kilalang-kilala siya sa amin. "Give me a shot na lang!" muling nagsalita si Claudia at agad naman siyang binigyan ni Noah habang nanatiling nakangisi ito. "Yeah. We should drunken ourselves tonight," sabi ko at napatango-tango habang nagsasalin din ng alak sa baso ko. "I agree but, you should be careful! Alonzo is there, looking for you. Alam mo namang baliw na baliw ang lalaking 'yon sayo." sabi niya pagkatapos napangiwi dahil sa pag-inom ng alak. Alonzo Bartolome is one of the boys who wants me. Kahit noong college pa lang ako at boyfriend ko na si Nikolai, at siya naman nagtatrabaho na ay madalas niya akong puntahan sa University. Madalas niya rin inaaway ang mga lalaking lumalapit sa akin noon na feeling niya ay pag-aari niya ako. I don't like him because he's a kinda creepy for me. Lagi niya akong sinusundan pero hindi naman ako natatakot na lapitan niya, basta ay hindi lang magaan ang loob ko sa kaniya. "Bakit nga ba hindi mo pa sinasagot si Alonzo-" hindi pa tapos si Noah sa tanong niya ay padabog ko nang ibinaba ang baso sa lamesa. "No way,” sabi ko at napairap. Natawa silang dalawa ni Clauda dahil pipiliin ko na lang makipag-date kung kani-kanino, wag lang kay Alonzo. Hindi ko gusto ang vibes ng lalaking 'yon at nandidiri ako kaagad kapag nakikita ko siyang naninigarilyo. "I don't like him too for you and wag na nga natin pag-usapan ang lalaking 'yon! Are you sure about going back to the Philippines na? Sure na sure na?" tanong sa akin ni Claudia at agad kinuha ang bote ng alak para magsalin sa kaniya. Kinuha ko ang isang shot at nilagok iyon, naramdaman ko kaagad ang init sa lalamunan kaya ako napapikit. Si Noah naman ay tumahimik na at napasandal ang ulo roon pagkatapos ay pumikit. "At okay ka na ba? I mean.. yeah, you're okay na but," nagkibit siya ng balikat, hindi maituloy ang sasabihin at napatingin kay Noah. "Weak," bulong niya at napangiwi. "Uuwi ako para kay Daddy at hindi para sa kung kanino. And I'm perfectly okay now," sagot ko at napairap kahit ang totoo ay hindi ko alam ang totoong nararamdaman ko. "Oh? Wag ka na sanang umiyak dahil hindi na kita tutulungan," lasing na sabi ni Noah habang nakapikit ang mga mata. Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang hinampas sa hita. Natawa naman si Claudia sa sinabi niya at may sasabihin pa sana siya kaya lang ay may lumapit sa lamesa namin. "Aria! Hi, let's dance?" si Bryce na tumawag sa akin, kasamahan ko sa pagmo-modelo rito sa New York at naging kaibigan kalaunan. Tinignan ko ang dance floor, nagkakasiyahan ang mga tao roon at may iilan pa akong artista at sikat na mga modelo na kilala roon. Gustuhin ko mang makisali sa kanila, kaya lang ay nag-uusap pa kami ni Claudia. "Uhm, later Bryce. Sorry we have something important to talk," I said and then I shrugged, tumango naman siya dahil may lumapit sa kaniyang isang grupo at nang makita ako ay nilapitan din ako. Nagkamustahan lang kami roon at may ipinakilala sa akin na iba pang modelo na hindi ko madalas nakakatrabaho. Ilang sandali rin ay umalis naman na sila. "Aria! Sayaw tayo!" tawag sa akin ni Jayson at lumapit. Isa rin siyang pinoy na naging modelo rin dito, sikat din siya at hindi talaga mawawala ang mga fans niya, kahit sa Pilipinas ay sikat siya. Lumipat naman ang tingin niya kay Noah na mukang natutulog na sa gitna namin ni Claudia. "Sige! Susunod kami," sagot ko pagkatapos tumawa na lang ako at binalingan si Claudia. "Pinopormahan ka ba ni Jayson? He's hot, Aria! Pwede na 'yon," humalakhak siya pero inirapan ko na lang ang kaibigan. Wala kaming magagawa ngayon dahil marami nang nagyaya sa amin sa dance floor at maingay na rin lalo sa loob. Uminom ako ng tatlong sunod na shot at naramdaman ko kaagad ang init sa katawan nito. Napangiwi si Claudia nang makita ang ginagawa ko kaya muli akong natawa at hinampas ang hita ni Noah para magising siya. "What!? Don't be a weak man, Noah!" sabi ni Claudia na may panghalong pang-aasar. Napadilat si Noah at napailing habang tumatawa. Tumayo naman ako at hinila ang kamay niya para patayuin siya, tinulungan naman ako ni Claudia kaya walang nagawa si Noah kung hindi ay tumayo na lang din. "I'll get that girl now. Ikaw, Claui? Anong gagawin mo kay Damon?" nakangising tanong ni Noah. "Edi lalandiin ko!" sagot nito pagkatapos humagalpak ng tawa si Claudia at sa akin naman ngayon bumaling. "How about you? Patusin mo na 'yong si Jayson, hot naman 'yon at mukhang magaling sa kama. O di kaya si Bryce, sigurado akong mamimilipit ka roon,” binulong ni Claudia ang huling sinabi niya pagkatapos muling humalakhak. Natawa at napailing na lang ako hanggang sa hinila na silang dalawa sa dance floor. Halos mabunggo namin ang iba roon pero mukhang mga wala naman silang pakialam. Ramdam ko na rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa daming alak na nainom. Hindi ko alam kung sa alak ba talaga ako nahihilo o sa papalit-palit na kulay ng ilaw. Nawala kaagad sila Claudia at Noah sa tabi ko, siguro ay pinuntahan na nila ang mga babae at lalaki nilang sinasabi kanina. Mag-isa akong sumayaw roon habang nakapikit ang mga mata at halos tumama ang likod at puwitan ko sa mga taong sumasayaw roon. "Aria? Drinks," narinig kong sabi ng isang lalaki dahilan nang pagdilat ko. Natawa ako at agad napatingin sa alak na inilahad nito. Agad kong ininom 'yon at muling ipinikit ang mga mata para ipagpatuloy ang pagsasayaw. Mas lalo akong napapaindak dahil sa music background at mas lalong umingay ang dance floor. Ilang sandali lang ay naramdaman ko lalo ang pag-init ng katawan ko. Pakiramdam ko ay gusto kong hubarin ang damit dahil sa biglaang pag-init. Napakagat ako sa labi at tila ba nagustuhan nang may humawak sa puwitan ko pero nang lingunin ko 'yon ay hindi ko na nakita pa. "Ariana," may tumawag sa akin. Napatingin ako sa lalaking humawak sa bewang ko at agad akong nag-init doon pero napalitan ng inis nang makitang si Alonzo 'yon. "You're drunk," bumulong siya sa tenga ko at halos kinilabutan ako roon. Iginiling niya ang katawan sa akin pero pilit akong kumakawala sa kaniya. Nag-iinit ang katawan ko at para bang may gusto itong gawin pero kung si Alonzo lang ang makakasama ko sa paggawa nito ay hindi na lang. "Go to hell, Alonzo!" inis na sabi ko sa kaniya pero mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "Oh come on, Ariana. Pagbigyan mo na ako kahit ngayong gabi lang," muli niyang sabi pagkatapos ay mariin akong hinalikan. Napapikit ako dahil sa nararamdaman pero nang maisip kong si Alonzo ang humahalik sa akin ay nilakasan ko ang tulak sa kaniya. "Fuck off!" inis na sabi ko kasabay nang pagtulak sa kaniya. Agad akong kinabahan nang hawakan niyang mahigpit ang dalawang kamay ko at sinimulan akong halikan. Pilit akong kumakawala sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Nagulat na lang ako nang may lalaking humila sa akin palayo roon at agad namang napabitaw si Alonzo. Hinanap ko kaagad sila Claudia at Noah sa crowds pero hindi ko sila makita kaya mabilis ang tahip ng puso ko. "Mind your own business, Jacob. Pati ba naman dito pakikiealaman mo ako?" maangas na sabi ni Alonzo sa lalaking may hawak sa akin ngayon. Nang mag-angat ako ng tingin sa lalaking 'yon ay para bang gusto ko siyang halikan at magpaangkin sa kaniya ngayong gabi. Tindig palang ng katawan nito ay gustong-gusto ko na. Gosh! Ariana Luna, ano ba ang nararamdaman mo ngayon?! "Don't ever lay your hands on my girlfriend again or I'll kill you myself," mariing sabi ng lalaking may hawak sa akin kaya bahagya akong natawa at sumiksik sa dibdib niya. "Yeah, Alonzo. He's my boyfriend. Let's go, baby," lasing na sabi ko at ako na mismo ang humila sa kaniya palayo roon. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Basta ang gusto ko lang ay makaalis sa Club na ito na kasama ang lalaking nag-save sa akin palayo kay Alonzo. "Do you have friends? Where are they? Where's your co-models?" sunod-sunod nitong tanong pero napailing nalang ako. "I wanna go outside. Please help me to go outside without caught by paparazzi," sabi ko at mas lalo akong nag-init kaya mas hinigpitan ko ang kapit sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook