bc

BRING ME TO HEAVEN (Cougar Series #23) SPG

book_age18+
19.0K
FOLLOW
137.8K
READ
revenge
sex
age gap
arrogant
drama
intersex
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Isang tanyag at magaling na business tycoon si Olivia. Dahil sa ayaw niyang biguin ang mga magulang, halos ginugol niya na ang oras niya sa kanilang kumpanya. Sa edad na thirty-seven ay wala pa itong boyfriend. Sexy, maganda o sabihin na lang nating isa siyang perpektong nilalang. Kilala siyang masungit. Wala siyang pakialam kung sino mang lalaki ang nagbabalak na manligaw sa kan'ya, dahil para sa kan'ya sakit lang sa ulo ang mga lalaki.

Ngunit, ang lahat ng iyon ay nagbago nang makilala niya ang isang lalaking gumulo sa kanyang tahimik na mundo. Ang akala niya wala na siyang pakialam sa usaping pag-ibig, pero ito siya ngayon, gulong-gulo. Hindi mawala sa isip niya ang lalaking bumuhay sa kan'yang natutulog na puso.

Titus Hill, a young CEO of Hill Company. Isang tanyag na business tycoon sa bansa. At the age of twenty-nine ay single pa siya, dahil para sa kan'ya disturbo lang ang usaping 'yon. Masasabing perfect na talaga siya sa lahat-lahat. Ngunit nang makilala niya ang babaeng hindi niya inaasahan na magpapabago sa kan'yang pananaw, ang babaeng lagi niyang hinahanap. Hanggang sa nangyari na sa kanila ang hindi dapat mangyari. Ang buong akala nila ay okay na ang lahat sa kanila.

Ngunit may isang malaking lihim ang mabubunyag at makapagpabago at kamumuhian nila ang isa't isa.

Paano kung malaman ni Olivia na ang lalaking akala niya ay mahirap, ay isa palang makapangyarihang tao sa bansa?

Ating subaybayan ang kwento nina Titus at Olivia.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Tunog ng malakas na alarm ang nakagising sa mahimbing na tulog ni Olivia, Lunes kaya maaga itong papasok sa opisina dahil alam niyang tambak na naman ang mga papers na haharapin niya dahil hindi siya pumasok noong friday, dahil may pinuntahan itong kasal ng kaibigan niya. "My God!" sambit ni Olivia sabay patay sa alarm at bumangon na ito para mag-ayos na ng sarili. Kahit siya pa ang CEO ng kanilang kumpanya ay sumusunod pa rin ito sa alituntunin. Kilalang masungit ito at mahigpit 'pag sa trabaho na ang pag-uusapan, kaya mula noong siya na ang binigyan ng katungkulang maging CEO ng Daddy niya maraming nagbago sa kumpanya nito, halos takot lahat ng empleyado sa kanya lalo na kapag may pagkakamali ang mga ito ay agad silang napapatawag sa opisana. "Anak, kumain ka muna," sabi ng ina nito nang makita siyang pababa ng hagdan at nagmamadali na naman ito. "Thanks Mom, but I need to go now," sagot niya sa kanyang ina sabay halik sa pisngi nito at umalis na. Napailing na lang ang ina nito, dahil tumatanda na ang anak hindi pa rin ito nag-aasawa o kahit boyfriend walang pinapakilala ang anak sa kanila. "Jhane!" Malakas na boses ng among babae ang narinig nito kaya nagmamadali naman itong pumasok sa opisina ng amo. "Yes po, Ma'am?" tanong nito na takot ang boses dahil alam nitong may mali na naman. "How many times I told you, na bago mo ipasok ang mga papers sa office ko ayusin niyo muna!" pasigaw na sabi ng amo. "Eh, Ma'am, sorry si Lily po ang may gawa nito." Ang isang secretary niya ang tinutukoy nito dahil dalawa ang secretary niya. "And so? I don't care! Kaya nga dalawa kayo 'di ba? Para maayos ninyong mabuti ang mga pinapagawa ko!" Galit na sabi ni Olivia sa kaharap. "Sorry po, Ma'am, aayusin ko na po." "Aba, dapat lang!" Sabay tapon ang folder sa mesa nito at payukong kinuha ni Jhane saka nagpaalam na ito sa amo, dahil alam nitong mainit ang ulo ng nito. "Wait, pakitawag si Lily dito," utos ni Olivia. ''Yes, Ma’am," tipid na sagot nito sabay labas sa office. Pumasok naman si Lily sa office ng among babae, pero may kausap pa ito sa phone kaya hinintay nitong matapos. Nakatayo lang si Lily sa may pinto, hanggang matapos ang amo nito sa kausap. "Ma'am, pinatawag niyo raw po ako?" tanong agad ni Lily matapos makitang binaba na ni Olivia ang telephone. "Hindi ba at sinabi ko na sa inyo na bago niyo ipasok ang mga document sa office ko ay i-check ninyo nang maayos!" galit na sabi ni Olivia rito. "Sorry po, Ma'am, hindi na po mauulit," hinging paumanhin ni Lily sa amo. "Dapat lang dahil kung uulitin mo pa tiyak maghahanap kana ng bagong kumpanya na papasukan mo!" sagot ni Olivia sa secretary nito. Sira na naman ang araw ni Olivia, Lunes na Lunes pa naman sira na agad ang araw niya. --- Papasok pa lang si Titus sa office nito, dahil late na ito. Naabutan nito ang sobrang traffic at mainit ang ulo nito pag ma-traffic ang daan, ito talaga ang pinakaayaw niya. "Jake, gisingin mo ako kapag nasa company na tayo, iidlip muna ako kasi masakit ang ulo ko," bilin nito sa driver na kanang kamay at ka-edad lang ni Jake. "Yes sir," tipid na sagot nito. Alam nitong puyat ang amo. Galing ito sa party kagabi. Kilala nito ang amo, dahil mula noong umupo na itong CEO sa kompanya nila ay siya na ang kinuhang personal driver nito at kanang kamay ng amo. --- Busy naman si Olivia sa mga papers na nasa harapan nito, kaya nagpatake-out nalang ito ng pagkain sa secretary nito at wala na siyang time para lumabas pa at kumain. --- Pagkapasok ni Titus sa malaking kumpanya nito ay isa-isa siyang binabati ng mga nakakasalubong nito, ang mga babae naman ay pigil sa pagtili dahil sa sobrang gwapo ng kanilang amo, mayaman at perfect na perfect ang pangangatawan, kaya kahit sinong babae talaga ay mapapahanga kay Titus. "Good afternoon, Sir," malanding bati ni Jess na personal secretary ni Titus bukod pa kay Jake. "Good afternoon too, " tipid na sagot ni Titus. ---- Naisipan naman ni Olivia na mag-gym mamayang gabi after ng work niya, dahil feeling niya tumataba na siya at para naman marelax din ang katawan niya kaya pupunta siya mamaya sa gym. Kailangan niyang matapos ang kanyang gagawin para hindi na siya mag-overtime. "Rey, huwag mo na akong ipag-drive. Ako na magda-drive, pupunta lang ako ng gym," sabi ni Olivia sa driver nito. "Sure po kayo, Ma'am?" tanong nito sa amo, dahil lagi itong kasama kung saan ito pupunta. Himala at ayaw magpasama ng amo nito, dahil minsan tamad itong mag-drive. "Yeah, mag-rest ka muna," sagot lang nito kay Rey. Si Rey ay pinili ng ama nito na maging personal driver at body guard, mas bata ito ng limang taon kay Olivia at nag-aral din ito ng martial arts para maprotektahan ang babae just incase magkaproblema. "Okay ma'am, but if you need me just call me," sagot nito sa amo. "Yeah sure," tipid namang sagot nito kay Rey at umalis na ito gamit ang sariling kotse nito. ---- "Manang, hindi po ako kakain dito ngayong gabi, sa gym na po ako kakain," sabi ni Titus sa katulong nito. "Ganoon po ba, sige po," sagot lang nito sa amo. "Alis na po ako, Manang, pag tatawag po sila Mom, pakisabi sa gym lang po ako," sabay alis na ito. "Hi po, Ma'am," bati ng mga staff kay Olivia dahil kilala siya sa gym na iyon at VIP pa siya roon. "Hello," tipid lang na sagot nito at pumasok na sa loob kung saan ang room nito at may private instructor ito, dahil ayaw na ayaw niya na makisalamuha sa maraming tao sa loob ng gym, kahit pa sabihing halos mayayaman ang andoon sa gym na iyon. Habang naghihintay naman si Olivia sa instrutor nito ay nagbasa muna ito ng book na lagi niyang dala-dala tuwing may lakad siya. Napansin ni Olivia na halos ten minutes na siyang naghihintay sa loob, pero wala pa ring dumating na instructor kaya galit itong tumawag sa information desk sa naturang gym. Halos hindi mapakali ang mga staff kung sino ang pupunta sa babae para maging substitute muna, dahil lahat ng mga gym instructor ay busy. "Hi, sir," bati ng mga employee sa gym na iyon kay Titus. "Hello! How's everything?" agad na tanong ni Titus sa mga naroon. "Ok lang naman po, Sir" sagot ng isang staff doon. "Saan si Luke?" tanong ni Titus. Si Luke ang matalik na kaibigan niya at namamahala sa gym na iyon. "Nasa loob po, Sir, busy po siya," sagot naman ng kausap nito. Dinig naman ni Titus ang usapan ng ibang staff na galit ang isa sa mga customer nila at VIP pa ito. "Bakit, may problema ba?" tanong ni Titus sa mga ito. "Eh, Sir, bigla po kasing may emergency na lakad 'yong isang instructor natin dito eh, sakto naman pong nandito 'yong isang VIP, wala po kasing avialable na instructor kaya hindi po namin alam ang gagawin namin. Galit na galit na po ang customer," mahabang paliwanag ng staff kay Titus. "Okay, anong room?" tanong ni Titus, at sinabi naman agad ng staff. Kaya kaagad na pinuntahan ni Titus ang naturang babae. Napalingon naman agad si Olivia sa pinto nang may naramdaman siyang bumukas ng pinto, halos nakatitig lang siya sa lalaking pumasok sa room na iyon at ganon din si Titus, parehas silang nakatitig sa isa't-isa. "Hi," basag ni Titus sa kanilang katahimikan, medyo napahiya naman si Olivia sa ganong tagpo nila ng lalake. "So, ikaw ang magiging instructor ko ngayon?" tanong ni Olivia kay Titus, dahil napahiya ito kanina at napatitig ito sa matitipunong pangangatawan ng kaharap. "Yes, Ma'am, ako nga po, sorry kasi nagkaroon ng emergency na lakad ang personal instructor nyo kaya ako po muna," paliwanag ni Titus sa babae. "Sa susunod kung alam niyong may emergency dapat sabihin nyo agad para hindi ako nagmumukhang tanga rito," masungit na sabi nito sa lalaki. "Sorry po talaga, Ma'am, hindi na po mauulit," paumanhin ni Titus sa babae. "Pwede na po nating umpisahan, Ma'am para hindi po masayang oras natin." Halos hindi mapakali si Olivia sa bawat dikit ng kanilang katawan na parang kuryenteng nabubuhay sa kanyang mga ugat, hindi naman niya ito nararamdaman sa totoong instructor nito pero bakit sa lalaking ito ay kakaiba. "Are you okay?" Mas lalong nanindig ang kanyang balahibo dahil ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ng lalaki, dahil halos sa malapit sa taenga niya ito nagsalita. "Yeah," tipid na sagot nito at parang nahalata 'ata iyon ni Titus. Bawat hawak ni Titus sa malambot at makinis na balat ni Olivia ay parang may nabubuhay sa kanyang katawan na hindi nito maintindihan at tanging sa babae lang niya naramdaman, aminin man niyang marami na siyang nahawakan na babae sa gym na iyon at kahit sa bar ay hindi ganito ang kanyang nararamdaman. Dahil hindi makapag-concentrate si Olivia kaya natumba ito at napahawak sa pants ni Titus kaya biglang naibaba ang pants na suot ni Titus, nanlaki naman ang mata ni Olivia sa nakita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook