bc

Falling in Love Again

book_age16+
1.4K
FOLLOW
5.3K
READ
love-triangle
friends to lovers
goodgirl
dare to love and hate
student
drama
realistic earth
friendship
rejected
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Love is a wonderful feeling but sometimes the best feeling is not falling in love to someone who doesn't love you back. Madaling mahulog sa pag-ibig pero mahirap umahon kapag nahulog ka na ng tuluyan.

Hindi lahat ng nag mamahal, minamahal din pabalik ng taong mahal nila.

Nakakadalang umibig sa taong lagi ka lang sasaktan at paulit ulit kang papaasahin na meron kayong label pero wala naman pala.

My name is Althea Annibelle Villafuente a college student, fall in love to someone who doesn't love me back.

This is my story!

This is how I Fall in love again.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
 Chapter 1 Her POV Nakaupo ako sa tapat ng computer ko dahil busy ako sa panonood ng paborito kong Korean variety show nang may biglang may nag pop up na message sa cellphone ko kaya itinigil ko muna ang panonood ko saka tiningnan kung sino ang nag message sakin. Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang text na galing sa kaklase ko. "Bring the necessary materials for the making of our class booth tomorrow if no one bring the given materials that assigned to you there will be a punishment!" Basa ko sa text! Napahinga na lang ako ng malalim dahil pabago bago sila ng araw kung kelan namin gagawin ang booth! Ang usapan kasi kahapon nung mag assign ang prof. namin ng mga dadalin namin sa isang linggo pa gagawa. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad papunta sa kabinet ko saka yon binuksan para kumuha ng damit dahil kailangan kong bumili ng materials na inassign sakin! Mabilis akong nagbihis at nagayos ng sarili saka kinuha ang wallet at cellphone ko saka lumabas ng kwarto para bumaba, Nakasalubong ko naman si Mama habang bumababa ako sa hagdan. "Saan ka pupunta?" Tanong nya sakin "May bibilin po sa mall!" Sabi ko at nagmamadaling bumaba. "Hapon na! Mamaya andyan na ang papa mo kaya bilisan mo magpahatid ka kay manong ah!" Sabi ni mama kaya tumango ako at lumabas ng bahay pero kesa magpahatid ako sa driver namin mas pinili ko na lang maglakad palabas ng village at mag abang ng taxi! Alam kong hassle pero mas gusto ko to kesa magpahatid sa driver namin. Nang makapara ako ng taxi sumakay agad ako at sinabi ko ang destinasyon ko. Dahil nga hapon na at rush hour pa hindi na ko magtataka kung bakit ang dapat na byahe ko lang mula sa village namin at sa mall na ten minutes ay naging thirty minutes! Sana pala naglakad na lang ako! Pagkadating ko sa mall mabilis akong nagbayad sa taxi at bumaba saka pumasok sa loob. Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at dumiretso na sa isang books store kung saan mabibili ko ang gamit na kailangan ko para bukas. Inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng mga kailangan ko ng may makabungo ako kaya natapon ang dalang gamit ko. Bakit ba naman kasi hindi ako kumuha ng basket! Yumuko ako para pulutin yon at ganon din sya! "Sorry!" Sabi nya at inabot sakin ang ilang nalaglag na gamit. "Okay lang!" Sagot ko naman sya kanya at nag angat ng tingin. "Paul!" Sambit ko. "Uy They! Ikaw pala, yan ba ung mga inassign sayo?" Tanong nya sakin "Oo pero may kulang pang isa tapos okay na kaya maiwan na kita dyan!" Sabi ko sa kanya at umalis. Si Paul Joshua Lopez ay isa sa lalaking kaklase ko na ka-close ng bestfriend ko at kilala sa buong campus dahil isa din syang varsity player ng volleyball, kahit hindi kami close na dalawa ni Paul madami na akong alam sa kanya dahil sa best friend ko! May mga pagkakataon kasi na napag uusapan namin sya dahil nga madalas silang mag usap ni ate Lynn saka kilala sya sa buong campus at hindi naman mawawala ang chismisan sa school, sikat sya kaya pati love life nya alam din ng lahat. Nang makita ko na ang hinahanap ko, kinuha ko yon at naglakad na papunta sa counter para magbayad. After kong bayaran lahat ng pinamili ko lumabas na ko ng bookstore para makauwi na ng mahagip ng mata ko si Paul kasama ang girlfriend nya na si Faith at mukang masinsinan silang mag uusap kaya ipinag walang bahala ko na lang at itinuloy na ang lakad palabas ng mall. Habang nag aabang ako ng taxi nagulat ako ng may biglang humintong sasakyan sa harap ko at noong una hindi ko yon pinansin hanggang sa nag baba sya ng bintana. "They! Sabay ka na sakin!" Sabi nya. "Wag na mag aabang na lang ako ng taxi!" Sabi ko sa kanya. "Matatagalan ka pa! Dadaan naman ako sa Village nyo eh!" Sabi nya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanya. "Ano nga pala gagawin mo sa village namin eh ang layo non sa inyo!" tanong ko sa kanya. "Paano mo naman nalaman na malayo yon sa bahay namin?" Tanong nya kaya nanlaki ang mata ko. My mouth!! Napatutop ako sa bibig ko at umiwas ng tingin sa kanya, nakakahiya! "Ah eh! Paano ko ba ieexplain? Si ano kasi, si—" sabi ko pero hindi ko na natuloy dahil nagsalita sya agad. "Si Ate Lynn?" Tanong nya saka tumawa ng bahagya, tumango ako sa kanya "Oo sa kanya ko nalaman!" Nahihiyang sabi ko. "Wala naman kaso yon! But to answer your question a while ago kung bakit ako pupunta sa village nyo ay may ibibigay ako kay Faith!" Sabi nya saka tumingin sa likod at doon ko nakita ang isang bouquet ng bulalak. Bakit di ko na isip na magka village nga pala kami ni Faith, ung girlfriend nya. "Wow ang ganda!" Sabi ko habang nakatingin sa bulaklak, ang ganda kasi talaga! Hindi ko maialis ang tingin ko sa bulaklak. "Mahilig ka sa bulaklak?" Tanong nya. "Oo" simpleng sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako ng may inabot sya saking isang tangkay na bulaklak. "Uy para san yan?" Tanong ko sa kanya. "Para sayo!" "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya, bakit naman nya ko bibigyan ng bulaklak. "Sabi mo mahilig ka sa bulaklak diba?" nakangiting sabi nya sakin “Oo pero bakit mo nga ako binigyan? Diba para kay Faith yan?" Tanong ko sa kanya at inangat ang hawak kong bulaklak. "Meron na syang kanya. Saka free lang yan sa pinagawa kong bulaklak!" Sabi nya sakin. "Thank you!" Sabi ko at inamoy ang bulaklak.Hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami sa harap ng bahay namin agad naman akong bumaba saka nagpasalamat sa kanya. "Thank you sa pagsabay sakin saka sa bulaklak na din!" Sabi ko sa kanya saka binitbit ang mga pinamili ko saka pumasok na sa bahay. Nagulat naman ako nang pagbukas ko ng pinto ang sumalubong sakin ay si Mama. "Ma, wag ka naman mang gulat!" Sabi ko sa kanya at pumasok sa loob. "Sino naghatid sayo?" "Ah yon po ba? Kaklase ko lang po sinabay ako dahil bibisita sa girlfriend nya na taga dyan lang!" Sabi ko kay mama at ibinaba sa may center table ang mga pinamili ko. "Kailangan mo din ba ng rose at may dala ka?" Sabi nya at tumingin sa rose na inilagay ko sa vase. "Trip ko lang po Ma ang ganda kasi nya, pulang pula!" Sabi ko. "Oh, sige andyan na ang papa mo kaya kakain na tayo!" Sabi nya at nagpunta sa dining area kaya naman sumunod ako. Wala naman naging ganap habang kumakain kami kaya ng makatapos akong kumain nag paalam na ako sa kanila na aakyat na sa taas para makapagpahinga na dahil maaga pa ako bukas dahil sa gagawin naming. Bitbit ko lahat ng pinamili ko ng pumasok ako sa kwarto ko at ibinaba yon sa table ko saka pumasok ng banyo at naglinis ng katawan, After I take a bathe and change my clothes biglang tumunog ang phone ko at makatanggap ako ng mensahe galing sa bestfriend ko. “They, maaga kang pumunta bukas may importante akong sasabihin sayo” basa ko sa text nya. Maaga naman talaga akong pupunta bukas kaya nag reply lang ako ng okay sa kanya at humiga na sa kama ko at natulog. NAGISING ako ng around seven o'clock then take a bath and wear comfortable clothes, dahil mamaya pag nag gawaan na mahihirapan lang ako kung hindi komportable ang susuotin kong damit. Bumaba na ko at naabutan ko si Papa na nakaupo sa sala habang nanonood ng tv kaya lumapit ako sa kanya at nag paalam. "Pa, aalis na po ako!" paalam ko kay papa at bumeso sa kanya “Sige ingat ka!" Sabi nya at inabutan ako ng pera! "Wag na po meron pa naman po akong pera!" Sabi ko at tinanggihan ang inaabot nyang pera. “Sigurado ka?” tanong nya kaya tumango ako at nag paalam na sa kanya. Nagpahatid na lang ako sa driver naming sa university. Maaga akong umalis para maiwasan ko ang traffic at luckily ganon nga ang nangyari. “Mag tetext na lang po ako kung magpapasundo ako.” Sabi ko sa driver namin “Sige po Ma’am” sabi nya kaya bumaba na ako ng sasakyan bitbit ang mga dala ko at pumasok sa loob ng campus. Naabutan ko ang mga kaklase ko na nagiintay sa may open field kaya naglakad ako papunta don. "Uy They!!" Bati nila sakin ng makita ako kaya ngumiti ako sa kanila at lumapit saka at inilapag ko sa lamesa ang gamit na dala ko sa pinacheck sa kaklse ko at ng mag thumb up sya na ibig sabihin ay clear na ako nakigulo na ko sa mga kaibigan ko dahil wala pa naman gagawin at kulang pa kami. "They may nabalitaan ako!" Bulong sakin ni ate Lynn ng makalapit sya! Eto na naman po kami! "Ano?" Tanong ko kanya."Pumunta daw si Paul sa village nyo!" Sabi nya! Alam ko malamang dahil isinabay ako nung tao pero kesa sabihin ko pa yon nanatili na lang akong tahimik dahil kung ano ano lang ang sasabihin nya sakin. “Sabi ni Paul naisabay ka daw nya kahapon so ano nangyari?” tanong nya, hindi na nga ako kumibo pero alam din naman pala sya. “Wala, ano ba dapat ang mangyari! Kaya lang naman ako nasabay sa kanya kahapon dahil pinuntahan nya si Faith sa bahay nila.” Sabi ko sa kanya at bigla nyang inilabas ang phone nya at inabot sakin na ikinakunot ng noo ko. "Ano gagawin ko dyan sa phone mo?" Takang tanong ko sa kanya. "Paki replayan naman si Paul kanina pa nag text yan!" Sabi nya at tumayo para pumunta sa papalapit namin na professor. Napabuntong hininga na lang ako at nireplayan si Paul, na baka nagtatanong lang about sa gagawin ngayon pero tumaas lang nag kilay ko sa nabasa kong message nya kay Ate Lynn. He was asking Ate Lynn for some advice tungkol sa relasyon nila ni Faith, wala naman akong idea sa kung ano ang nangyayari ngayon sa relasyon nila at wala akong balak alamin pero may mga kumakalat kasing balita na break na daw sila pero hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi kasi base sa nakita ko kahapom hindi naman eh sa text naman nya ngayon kay Ate Lynn parang totoo nga, Napapailing na lang akong nag reply sa message ni Paul kay ate Lynn. She permits me to do so kaya nag reply ako. 'Sa totoo lang kung ayaw naman sayo wag mo ng pilitin pero kung mahal mo talaga mag tyaga ka para bumalik sya sayo!' Yan ang sinabi ko pero nag iisip pa ko kung isesend ko ng bigla akong gulatin ni Rodj kaya ang ending na send ko ng hindi namamalayan. "Rodj bakit ba bigla ka na lang nang gugulat!”  Sabi ko sa kanya at tumawa lang sya sakin. Wala na, nasend ko na! "Guys! Simulan na daw natin sabi ni Prof! mark as late na lang ung wala pa!" Sabi ni Ate Lynn at lumapit sa lamesa para kunin ang mga materials! Tumayo naman na ko para tumulong. "Ate Lynn phone mo!" Sabi ko saka inabot ang phone sa kanya. "Ano? Nag reply ka?" Tanong nya kaya tumango ako dahil nag reply naman talaga ako ng hindi sinasadya. Tiningnan nya ang phone nya at tumango sakin. Nagsimula na kaming gumawa at unti unti na din naman kami na nakokompleto. "Paul hindi ako nag reply sayo si They yon ah!" Biglang sabi ni Ate Lynn ng makalapit samin si Paul. "Ate Lynn!" Reklamo ko dahil inutusan lang naman nya ko tapos ako ang inilaglag! "Just telling the truth!" kibit balikat na sabi nya sakin kaya napailing na lang ako. Nang lumapit samin si Paul, lumayo naman ako dahil nahihiya ako sa nangyari! Hanggang sa naging busy na kaming lahat sa pag gawa ng Booth ang wala ng time para makapag usap! While resting may biglang nag abot sakin ng tubig kaya tiningnan ko kung sino yon bago tinanggap. "Ej!" sambit ko at ngumiti sa kanya "Mag tubig ka muna!" Sabi nya kaya kinuha ko yon at ininom. "Sabay kita mamaya!" Sabi nya kaya tumango ako sa kanya! Well magkalapit lang naman kasi ang bahay naming dalawa. Buong maghapon kaming gumawa ng booth hanggang sa hindi naman din naming natapos at nag desisyon sila na ituloy na lang sa susunod na linggo dahil hindi naman ganon ka urgent ang lahat. “Guys gimmick tayo!” yaya nila kaya naman sumangayon ang lahat. Wala naman problema sakin dahil kay Ej ako sasabay na umuwi saka hindi naman ung gimmick na mag babar kami! Sa mall lang ang ending naming lahat! Dahil nga may mga dalang kotse ang mga kaklase kong lalaki sa kanila kami sumabay, kjay Ej ako sumabay papunta sa mall. “They wala ka bang balita sa kanila?” tanong nya at umiling na lang ako. “Bakit ako ang tinatanong mo? Alam mo naman na simula noong nangyari yon naputol na ang koneksyon ko sa kanya.” Sabi ko sa kanya “Ang sabi ko They sa kanila hindi sa kanya lang.” natatawang sabi nya pero hindi na lang ako kumibo hanggang sa nakarating kami sa mall. Nag ikot ikot lang naman kami sa loob ng mall at kumain ng hapunan. “Ano saan tayo ngayon?” tanong nila “Bar tayo! Wala naman pasok bukas!” sabi ni Pol at umakbay kay ate Lynn. “Sige sige ano game kayo?” sabi ni Leth pero umiling ako. “Pass ako guys, kayo na lang!” sabi ko at tumango lang sila bumaling naman sila kay Ej na asa tabi ko.  “Hatid ko lang si They! Tapos sunod ako!” sabi nya kaya tumayo na ako at umalis kaming dalawa. Hinatid nya lang ako sa bahay at binati sila papa saka umalis na para sumunod kila Pol sa bar. Umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan bago matulog. Inabot ako ng kalahating oras sa paglilinis ng katawanan pati na din sa pagbihis. I was combing my hair when my phone beep kaya tiningnan ko kung bakit! I just reveive an unknown text from someone. "Thanks for the advice - Paul" basa ko sa message na natanggap ko. Nakatulong ba ung sinabi ko kanina? Eh opinyon ko lang naman yon. Wala sa loob akong nag reply sa kanya na ‘Wala yon saka opinyon ko lang naman’ reply ko at nahiga na sa kama ko at pumikit pero napadilat ulit ako ng tumunog na naman ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino yon. Paul just send me another text message at don na nga nag simula na magkausap kami. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nirereplayan ko sya, ang alam ko kasama sya nila Pol sa bar ngayon kaya ewan ko lang kung bakit eto sya katext ako ngayon at ang topic naming ay si Faith, hindi ko alam kung lasing ba sya or what pero nirereply ko lang sa kanya ang mga bagay na alam ko at pwedeng makatulong sa kanya na pwedeng magbalikan sila ni Faith. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.3K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook