bc

The Billionaire's Dangerous Obsession (Hidden Desire Series 1)

book_age18+
6.8K
FOLLOW
36.8K
READ
billionaire
killer
dark
possessive
arrogant
powerful
brave
mafia
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Matikas, may maskuladong katawan at matalino sa bakbakan kung ilalarawan ang isang Zandrick Lanston. Likas na sa dugong dumadaloy sa binata ang pagiging Mafia kaya hindi na bago sa kanya ang magulong buhay.

Nang dumating ang puntong kailangan na niyang mamahala sa posisyon ng kanyang ama; ang pagiging Mafia Leader ay may isang bagay itong pinapagawa sa binata at iyon ay ang akitin ang nag-iisang anak ng pamilya Cervantes, si Andrea. Akitin at nakawin ang angking yaman nito.

Pero paano kung ang isang matikas na Mafia Son ay hindi kayang kontrolin ang babaeng tulad ni Andrea? Si Andrea na sanay rin sa pang-aakit?

Posible nga ba? Posible nga bang magtagumpay si Zandrick sa mga plano nito?

Paano kung si Zandrick mismo ang naakit ng dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Zandrick’s POV ILANG oras na akong nakaupo ngayon sa sasakyan ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaninag ang presensya niyang lumabas sa kanyang opisina. F*ck! Anong oras na ba? Akala ko ba alas singko y media ang labasan nila pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin? Ilang taon ba akong manghintay sa parking lot na ito? Hindi ko pa siya nakikita nang personal kaya hindi ko alam kung kaya ko ba siyang pakitunguhan. Buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan na makihalubilo sa isang babae kaya wala akong kalam-alam kung paano gagawin ang planong pinagwa sa akin ni Daddy. Kinuha ko ang natatanging imahe na mayroon ako ngayon. Matinik ko iyong tiningnan saka pinag-aralan nang husto ang kanyang mukha. Alam kong ibang-iba ang dating sa imahe lang kaysa sa personal na anyo pero wala akong pakialam. Tanging hangad ko lang ay ang akitin siya at paikutin at sa ganoon ay magawa ko nang maayos ang plano ni Daddy. “Sir, papalabas na po siya.” Ang bungad sa akin ni Bal- ang tauhan kong nakamasid ngayon sa loob ng kompanya. Hindi na ako sumagot sa halip ay inayos ko na lang ang aking sarili. Humarap ako sa rear-view mirror ng aking sasakyan saka tiningnan nang maayos ang aking mukha. I smiled. Saktong kakalabas ko lang ng sasakyan nang mamataan ang kakalabas na si Andrea. Unang tingin ko pa lang ay alam kong may kakaibang taglay siya sa kanyang katawan na alam kong walang sinong lalaki ang hindi manghihina kapag nakita ito. Pero iba ako. Nang mapansin niya ang presensya ko ay kaagad akong napangiti. Sa mga ngiti ko ay pinilit kong ipinakita sa kanya ang kagwapuhang taglay ko pero hindi ko alam kung bakit hindi nagbago ang kanyang reaksyon. Inaasahan ko pa naman ang kanyang ngiti ngunit napataas pa ito ng kilay sa hindi ko malaman na dahilan. Nagtataka tuloy ako kung may mali ba akong nagawa ko eskpresyon sa mukha na hindi niya nagustuhan. “I’m Zandrick. Andrea Cervantes, the ower of Cervantes Hotel Group of Company, right?” ngiting bati ko. Nilahad ang aking kamay sa harapan niya pero hindi niya iyong tinanggap. I keep on looking at her eyes. Hindi pa rin naalis sa mga labi ko ang ngiti habang siya ay mataman lang akong tiningnan. Ni isang beses ay hindi ko pa siya narinig na magsalita. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makikitungo sa akin o sadyang ganito lang talaga siya kung makihalubilo sa mga lalaki. Pero hindi ko na ininda ang ekspresyon na meron siya ngayon. Lalambot rin ito at kumbinsido akong magagawa iyon. Hindi pwedeng hindi. Kung maaring idaan ko sa dahas ay gagawin ko para lang mapaamo ko siya. “Alright,” sa wakas ay winakasan na rin siya ang kanina pang nakaangat niyang mga kilay. Hindi man niya ako ningitian pero hindi ko pa rin binago ang aking ekspresyon. I just keep on showing her that I am interested on her at hindi ako magsasawang gawin iyon sa harapan niya. “What do you want? Overtime na ako sa trabaho kaya wala akong oras para magpalitan ng ngiti sa’yo,” wika nito dahilan para mapawi ang aking mga ngiti. Umawang aking aking panga. Kung hindi lang dahil sa mga plano ni Daddy ay kanina ko pa pinatulan sa kasungitan ang babaeng ito. Kung hindi dahil sa personal na interes ko sa babaeng ito ay hindi ako magtyatyagang suyuin ang madilim nitong mukha. She’s pretty, yes. Pero nakakadisappoint ang asal niya. Hindi na ako nagsalita pa. Binuksan ko ang pintuan ng aking sasakyan saka itinuro ang daan sa kanya papasok gamit ang kaliwang kamay ko. Hindi siya gumalaw kaya mas lalo lang akong nainis sa inasal niya. Mas umiting pa ang aking panga at ms lalalong bumakat ang ugat sa aking sintido sa sobrang inis. Mababa lang ang pasensya ko lalo na sa mga babaeng ganito. Kung lalaki lang ito ay kanina ko pa ito sinapak at pinamukhang kakaiba ako mga lalaking nakasanayan. Hindi dapat ako naririto pero dahil sa utos ni Daddy ay nandito ako at nagtyatyiga sa masamang ugaling mayroon ang babaeng ito. ‘’Papasok ka sa sasakyan ko o ako ang kakaladkad sa’yo papasok sa loob? I am warning you Miss Cervantes,” matigas ang boses na pinakawalan ko. Hindi ko maiwasang tumuyo ang aking lalamunan sa inis. Nang hindi siya gumalaw ay ako na mismo ang humawak sa kanyang kamay pero mabilis niya iyong naiwsan. Hindi ko alam kung bakit niya nagawang iwasan ang kamay ko sa bilis ng mga galaw kong iyon. Umangat muli ang kanyang kilay. I can now see the irritation in her face. “Literal na lalaki,” she smiled. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya hindi ako nagsalita at hinnintay na lang ang susunod niyang sasabihin. Mula sa pagiging mataray ay ngumiti siya pero alam kong iba ang emosyon na nasa likod ng mga ngiting iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nadala sa emosyon pinakita ko sa kanya kanina. I purposely did that to scare her but it seems she’s immune to that. Ni hindi ko man lang nakitaan ng takot sa kayang mukha. Hindi ko inasahan ang kasunod na ginawa niya. She slowly move closer to me. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa lalo pa at nasa tapat ako ng aking kotse. Saka ayaw ko rin magmukhang duwag. F*ck Zandrick! Babae lang ‘to pero bakit parang ikaw yata ang takot? Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay kaagad ko rin naamoy ang pambabae niyang pabango. Bago iyon sa mga ilong ko kaya hindi ko maiwsang mailang. I forced myself to endure this stupidity. Alam ko na ang mga ganitong galawan ng mga babae pero ang hindi ko alam ay kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. “Alam mo, Zandrick, guwapo ka sana,” mahinang bulong niya. Nakatapat ang bibig niya sa tainga ko. Mas lalo ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam nang maramdaman ang kamay niyang marahang dumapo sa aking dibdib paibaba sa aking balakang. Hindi na ako nakagalaw pa sa puntong ito. Unti-unti ko na rin naramdaman ang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman buong buhay ko. Parang may namumuong init mula sa pagkalalaki ko na hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. I can now sense her warm breath. Alam kong sinadya niya iyon para iparamdam sa akin ang presensya niya pero pinilit kong labanan ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon; tulad ng palaging bilin sa akin ni Daddy. “Pero laos ang diskarte mo. Sana naman may bago,” tumigil na naman siya. Sa puntong ito ay dumpo ang kamay niya sa pagkalalaki ko. Napapikit ako. Kanina ko pa siya gustong itulak pero hindi ko magawa. Marahan niyang ibinigay sa akin ang proposal letter na ipinadala ko sa kanya noong nakaraang araw. Itinapat niya iyon sa aking dibdib. Mula sa paghipo sa aking pagkalalaki ay marahan niyang inangat ang kamay pabalik sa aking dibdib. “Business is business, Zandrick. Sana sinabi mo sa akin agad na panliligaw ang gusto mo hindi iyong idaan mo pa sa business proposal. Gusto ko nang direct to the point hindi iyong pailiko-likong paraan,” mahinang sambit niya saka binitawan ang proposal letter na hawak-hawak nito at hinayaang bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung bakit naaamoy niya ang ang plano kong iyon. Hindi ko inakalang kakaiba siya sa babaeng inaasahan kong makaharap. Hinayaan ko siyang lumagpas sa akin. Nanatili pa rin akong nakatayo at nakasandal sa aking kotse. Ni paglingon sa kanya ay hindi ko pa rin magawa. Parang nanatili sa katawan ko ang pinaggagawa niya kanina. Para iyong nag-iwan ng init sa malamig kong katawan na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin. “Sh*t!” I cursed. Hindi ko alam kung bakit hindi nakaasta ang tikas ng katawan ko at karisma ko sa babaeng iyon. Isa lang naman ang natatangi kong magagawa sa puntong ito at iyon ay ang sabayan siya. I must get her attention. Kailangan kong kunin ang loob ni Andrea Cervantes alang-alang sa mamanahin kong posisyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook