---
Aze's POV
Nandito kami sa room kasama ko ang mga best buddies ko. Sino pa nga ba kundi ang mga pinaglihi sa mega phone sa subrang kaingayan. Hindi na talaga matahimik buhay ko sa kanila sa subrang ingay kala mo naman may kaaway. Ang lapit lang pasigaw magsalita. Tss
"Hey! Girls I heared from the bubuyog sa labas na malapit na raw ang Anniversary ng school na'to. And they say na may mga activities na gagawin like Singing contest ,Dance Contest etc. And diba wala pa tayong club na nasasalihan dito thats why kailangan na natin maghanap ng club." Sabi ni Mika. Wag na kayong magtaka ganyan talaga kami magsalita taglish o kaya conyo.
"Yeah Mika is right , dapat maghanap na tayo ng club na sasalihan." Sabat ni janine
"Ikaw Dyosa saang club ka sasali?" Tanong ni Kira
"Dance Trope ako sasali kayo saan?"
"Sigurado ka sa Dance Trope ka sasali.?" Tanong ni Janine
"Bakit?"Tanong ko
"Eh? Diba bawal sa'yo mapagod. Kami malalagot nyan kapag pinabayaan ka namin sumali sa Dance Trope."Nag-alalang sabi ni Jacky
"Hindi naman ako magpapagod masyado. Dont worry ako bahala. Kaya ko guys you don't have to worry." Ngiting sabi ko.
Umiling lang sila. Yun talaga gusto ko eh ang pagsasayaw. At dahil nag-aalala talaga sila kaya ayun kung saan ako dun talaga sila. Hindi sa pagmamayabang ay hilig din nila ang pagsasayaw at pagkanta.Ako dati pa ay hilig ko na talaga yun kaya lang dahil sa isang pangyayari ay hindi na ulit ako nakasayaw pa. Kaya sa pagkanta nalang ako nag-insayo. Pero hindi talaga yun hilig ko pero magaling din naman ako dun. Talagang sa pagsasayaw talaga ang hilig ko.
Maya maya pa ay dumating na ang Lec. namin at ayun nga inannounce about sa darating na anniversary nitong school. At ang hindi ko inaasahan ay ang mismong sinabi ng Lec. namin na darating ang mga major stockholders. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Isa si Chairman Jung sa mga major stockholders ng lahat ng school dito sa lugar namin. Sh*t kailangan ko talagang doblehin ang pagtitino ko kahit hanggang next month lang. Ayokong madisappoint si Chairman kundi goodbye philippines talaga ako nito.
Natapos ang klase namin kaya napagdesisyonan namin na pumunta ng cafeteria. And as usual isa sa amin ang manlilibre. Buti hindi ako ang naka.toka para manlilibre ngayon.
Naka-upo kami sa dating upuan kung saan ko naka-away ang sikat kuno sa school na'to. Psh I don't care kung siya pa ang pinakasikat sa buong mundo. Ang isang pasaway na tulad ko hindi niya mapapasunod. Kahit nagtitino muna ako ngayon di pa rin maiwasan na may nagagawa akong hindi sinasadya na kinakagalit ng iba. Wala pa nga akong ginagawa nagagalit na sila pa'no pa kapag may ginawa na ako. Eh di pikon na sila nun. Hindi manlang nila alam ang salitang "sabay sa uso" nakakatawa diba. Pero kong ayaw nilang mapikon eh di sabayan nila trip ko baka sakaling malike ko pa sila. Oh! Speaking of the handsome cold devil. Malayo palang ay tanaw ko na ang hibla ng buhok niya oh! Diba talas ng mata ko.
At ayan na naman ang mga walang kamatayang bubuyog sa paligid. Lintik sarap talaga tirisin ng mga 'to.
Kyyyaaaaahhhhhh
Sh*t hindi ako mgsasawa sa mukha nila grabe ang gwagwapo
Excited na ako sa darating na event balita ko magpeperform daw sila.
Oo nga ako din excited na.
Psh! Eh di kayo na ang excited. Mga walang magawa ganyan nila sinasayang ang mga ginagastos ng mga magulang nila sa pag-aaral nila puro tsismis at pagpapacute sa crush nila. Kung may subject lang sa ginagawa nila for sure tinalo pa nila ang valedictorian.
At dahil nasa pwesto kami ni Cold devil. Haha yeah yan ang tawag ko sa kanya simula ngayon kasi tuwing nakikita ko siya ang cold niya. Kapag kinakausap ng barkada parang wala lang sa kanya ang cold ng treatment niya sa mga friend niya at kaya naman may devil kasi masama ugali niya lahat ng nakikita niya kapag tinitigan niya natatakot na. Oh diba dinaig pa si satanas wala pang ginawa natakot na sa kanya. King ina anong klasing nilalang ba siya? Baka naman alien siya at nagkukunwaring tao. Haha ayan na naman siya sa pamatay niyang titig sus kala mo naman kinagwapo niya lalo. Sige takotin mo ako sa titig mo tingnan lang natin.
"You! get out" pasigaw niyang sabi sa mismong mukha ko. Hindi ko pinahalatang nagulat ako. Yung iba totok na totok na parang nanonood ulit ng shooting
"Why would I?"kalmado kong tanong yung iba kong kaibigan nakatayo lang. Hindi nila ako mapipigilan kapag ganitong mga eksena na ang magaganap. Kasi lagot sila kapag nakialam sila.
"You really don't know me?Aren't you?" Tanong ulit
"Im not interested" sagot ko
"I don't care if you're not interested. I just want you to know that I'm the grandson of the owner of this school. So don't dare to mess up with me or else I'm going to make your life like hell" Litanya niya sus kala mo naman manonosebleed ako sa sinabi niya. Nanakot pa psh.
"Oh! really ? Ano naman pakialam ko kung apo ka ng may-ari. Bakit ikakayaman ko ba ang pagiging apo mo sa may-ari nitong school. Tanga lang! kung sila natatakot sa'yo pwes ako hindi. I will never be scared of you hindi ka multo para katakutan ko.Kung wala kanang sasabihin makakaalis kana baka mawalan ako ng ganang kumain kapag nandito ka MR. COLD DEVIL"
Xiel's POV
"MR.COLD DEVIL"
"MR.COLD DEVIL"
"MR.COLD DEVIL"
WHAT THE HELL?
That girl is getting into my nerves. How dare she is to say that to me in front of many people. Sa tanang buhay ko wala pang nakakagawa sakin ng ganun. The hell.
What's with that girl. Ang lakas ng loob niyang gawin sa'kin yun ni hindi ko man lang siya nakitaan ng takot sa mata niya. Yung iba nga titigan ko lang naiiyak na kala mo naman may gagawin akong hindi maganda sa kanila.
Kakaiba ang isang yun. Who is she?
Hindi ito ang unang beses na ginawa niya sa'kin 'to. Okay na sana yung una pinalagpas ko lang kasi naawa ang mga kaibigan ko baka ano daw magawa ko. Pero not this time ,for the second time. Inulit niya kong ano ginawa niya sa'kin. Pinahiya niya ako sa maraming tao.
Hindi ko na mapapalampas ang ginawa niya.
Nandito kami ngayon sa practice room o music room matapos ng nangyari kanina. Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit sino.
"Woo grabe , Hindi talaga ako maka-move on sa nangyari kanina. Lakas ng loob ng babaeng yun ah." Biglang sabi ni James
"Oo nga ! Idol ko na ngayon ang babaeng yun akalin mo yun. Isang Klient Xiel Yoon sinagot-sagot ng ganun unbelievable." Sabi naman ni Jero
I gave them a death glare. Nababadtrip ako lalo sa mga 'to! Humanda ka sa'kin bukas babae ka.
Xymon's POV
Hi there !
Before anything else I would like to introduce myself. Haha
I'm Xymon Brekx Alegre , Isa ako sa member ng Level Five. Grupo kami ng isang banda at the same time member kami ng varsity ng basketball sa School na pagmamay-ari ng pamilya nila Xiel. Siya ang Lead Vocalist s***h Captain s***h leader ng grupo. Bata palang kami ay magkaibigan na kaming lima kaya kilala na namin ang isa't-isa.
At sa unang pagkakataon kong nakita na may pumatol at nakipagsagotan kay Xiel sa school. Kasi naman lahat ng studyante maliban saming lima ay takot sa kanya yung tingin lang niya pamatay na. Hindi sa may-ari sila ng school ay natatakot na sila. Sadyang nagbago lang talaga si Xiel. Dati na siyang masungit , Hot-tempered , Pero ang pagiging cold niya ibang usapan na yun. Alam kong masakit pa sa kanya ang nangyari kaya naiintindihan namin siya kung bakit ganyan ugali niya.
Pero isang bagay ang pinagtataka ko. Bakit ang daldal niya kapag kausap niya ang babaeng yun at kapag samin daig pa ang pipi ayaw kaming kausapin sasagot lang kapag importante ang tanong o sasabihin mo.
Pero bilib talaga ako sa babaeng yun. Grabe sa tingin ko nakita ko na ang taong makakapagbago sa ugali ni Xiel. At sana siya na. Dahil bilang kaibigan ayoko rin na nakikitang ganun pa rin si Xiel. Hindi ngumingiti di tulad ng dati na humahalakhak talaga ng tawa.
Sana ikaw na ang maging dahilan para sumaya siya kung sino ka man.