Zach's POV Ika-limang araw na ngayon mula ng dalhin sa hospital ang kapatid ko. Wala pa din kaming donor na nahahanap. Pero ang sabi ng doctor ay nag-iimprove na ang lagay niya. Masaya ako nang malaman ko iyon. Malakas ang kapatid ko alam ko. Lalaban siya, kailangan niya lumaban sa sakit niya. "Zach." si Jas "Hmm." "May report na ang mga pulis tungkol doon sa nangyari." Natigilan ako sa sinabi niya. Nagpa-imbestiga kasi kami tungkol doon sa death threat na natanggap ng kapatid ko kaya humangtong sa ganito ang setwasyon niya ngayon. "Ano ang sabi?" Mahinahon kong tanong "Isang lalaki ang nakita sa cctv malapit sa area. Hindi klaro kung sino, nakaitim ito at nakatalikod. Medyo malayo kasi nang konti ang cctv. Pero nang mangyari iyon may isang estudyante ang nakita sa isa pang cctv na