NAPAWI ang kaba ni Leandro nang makita niya si Anna na nakaluklok lang sa sulok ng bintana habang pinagmamasdan si Jhen na pinapapak ang karne ng baka. Tulala si Anna kaya siguro hindi siya nito napansin. Nahimasmasan lang ito nang hawakan niya ang kanang braso nito saka inakay patayo. Nanginginig pa rin ito sa takot. “Anong nangyari?” tanong niya rito. “D-dinala niya ako rito. Mabuti na lang may karne ng baka sa refrigerator dito kaya kumuha ako at ibinigay sa kanya. Nasugatan lang ng kuko niya ang hita ko,” paliwanag nito. Nag-panic siya. Nakalmot ito ni Jhen, may posibilidad na nalawayan ni Jhen ang kamay nito at may venom na naisama. “Pero hindi ko siya pinapakain ng hilaw na karne,” aniya. “Pasensiya na. Natatakot kasi ako baka kagatin niya ako. Mabuti na lang hindi natuloy dahi