NAGISING si Jhen dahil sa lakas ng boses ni Leandro, pero nang makita niya ang mukha ng lolo niya sa screen ng laptop nito ay nagkunwari lang siyang tulog. Naririnig niya ang pinagsasabi ng lolo niya. May kasalanan pa siya rito. Hindi niya sinabing nagpakasal siya kay Leandro. “Ikaw talaga. Basta ba huwag mo siyang sasaktan,” anang lolo niya. “Hindi ‘yon. Mahal ko ang apo mo,” sabi naman ni Leandro. “Maiba ako, kamusta na pala ang anak ko, naalagaan mo ba siya nang maayos?” mamaya’y tanong ni Antonio kay Leandro. Nawindang si Jhen. Sino’ng anak ang tinutukoy ng lolo niya? Napilitan siyang magmulat ng mga mata pero tumalikod siya kay Leandro. “Nasa mabuti siyang kalagayan. Huwag ka nang mag-alala, ako na ang bahala sa kanya. Pero baka hindi magtatagal ay masasabi ko na sa kanya ang tot