Chapter 20

2833 Words

ISANG linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Zack sa mansiyon. Akala ni Jhen ay nahanap na ni Leandro si Zack, pero hindi pa pala nito iyon nakikita. Magbuhat noong sinugod siya ng mga bampira ay hindi na siya nito hinayaang maiwan mag-isa sa mansiyon. Kapag hindi ito nakakauwi ay sa hotel siya nito pinapatulog. Kinagabihan ay umalis na naman ito. Pinakain lamang nito ang mga alagang hayop sa rooftop saka sabay na silang pumunta sa hotel. Nitong palagi itong wala ay saka niya ito name-miss nang sobra. Dati ay okay lang sa kanya na palagi itong umaalis, pero ngayon halos ayaw niya itong umalis sa piling niya. Pagkatapos niyang maghapunan ay tumambay siya sa mini bar ng hotel. Hindi kasi siya makatulog. Nag-order siya ng cocktail habang nag-iisa pa siya sa harap ng counter.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD