KASABAY sa pag-alis ni Marco at Zack ay nawala na rin sa mansiyon si Jhen. Wala ito sa kuwarto nito. Pagdating ni Leandro sa kusina ay may nakahain nang pagkain. Matapos niyang halughugin ang mansiyon na wala pa rin si Jhen ay inalipin na siya ng inis. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya kung aalis ito. Kahit tirik ang araw ay lumabas siya lulan ng kanyang kotse kotse Nagtungo siya sa hotel, pero wala roon ang asawa niya. Lahat ng napagtanungan niya ang hindi alam kung nasaan si Jhen. Nagpalipas na lamang siya roon ng oras hanggang sa lumubog ang araw. Nang lamunin na ng dilim ang paligid ay naglibot na siya sa zoo. Nang hindi niya makita sa paligid si Jhen ay dumeretso siya sa clinic. Naroon nga ito at ginagamot ang sugatang usa. “Anong nangyari riyan?” tanong niya nang makapasok.