Sashna’s pov: “S-Sino ba kayo!? B-Bakit… bakit niyo ginagawa ang bagay na ito!?” tanong ko kahit nahihirapan sa aking pwesto. Nakasubsob pa rin ako sa lupa habang hawak ng tatlong lalaki na bigla na lang dumating sa bahay. Hindi ko sila kilala pero sigurado ako na kung sino man sila ay sila rin ang mga taong humahabol at nais akong patayin noon! Tch! A-Anong… anonong gagawin ko!? Nasa panganib sila lola, kialangan ko silang iligtas! Pilit akong pumiglas ngunit mas lalong hinigpitan ng mga lalaki ang pagkakahawak sa akin. Ang isang lalaki na nagdidiin sa aking mukha sa lupo ay hinatak ang buhok ko upang ako ay patingalain. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng panginginig nang bigla na lang nya akong tutukan ng patalim sa aking leeg! S-Sh*t! “Subukan mo pang kumawala at gigilitan k

