Dylan's pov: Tsk! Sobrang hapdi ng mga lanit sa pisngi ko. Ano bang nangyayari kay Venice? Bakit bigla na lang syang naging gano’n? Akala ko talaga— haayyy! "Pst!" sitsit sa akin ni Zurie. Nilingon ko sya ng may pagtataka at itinuro nya sa akin gamit ang kanyang mga mata ang piraso ng basag na plato! Iyon ‘yong isa sa mga inihagis sa akin ni Venice kanina sa sobrang galit nya! Tama! We could use that! Nilingon ko ang mga nagbabantay sa amin at sakto namang hindi sila nakatingin. Masyado silang abala sa pagsusugal at pagtatawanan! Huh! Ibinaling ko ang aking tingin sa malaking bahagi ng bubog. I tried to reach for it using my feet... and... I GOT IT! Dahil nakatali pareho ang aking mga paa at kamay... inipit ko sa pagitan ng aking mga paa ang malaking piraso ng bubog at marahan akong

