Aizen’s pov: Hindi na nagtanong pa si Callix at agad na lang ding tumayo sa kanyang inuupuan. Naupo si Aira at mahigpit na humawak sa manebela. Naku, lilipad na ang sasakyan! Ahahah! “Kumapit kayo!” sabi ni Aira at kinabig ang kambyo saka inapakan ang accelator. Unti-unti ng isinasara ang gate ngunit hindi pumayag si Aira na hindi kami umabot! Halos triplehin nya ang bilis ng saakyan at binangga ang tarangkahan! Nahagip nya pa ang dalawang lalaki na nagsasara ng gate at ang isa sa kanila ay nangalahati ang katawan sa bilis ng pagpapaandar ni Aira. Para kaming nasa Roller Coaster! Kapit na kapit si Kirsten at Zurie sa mga hand rails samantalang kami naman ay pasilip-silip sa bintana at nakakipagpalitan ng putukan. Nang makalabas kami sa puder ng Ares, hindi pa rin nila kami tinigilan

