~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Napansin kong pamilyar ang silid. Agad rin akong napabalikwas ng bangon nang mapansin kong nasa loob ako ng kwarto namin ni Zen. "Damn it..." Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot iyon. Napansin kong iba na ang suot kong damit. Pinilit kong bumangon kahit pa masama ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang buong paligid. She was not in the room. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. All I could remember ay nasa isang bar ako kasama si Steph. I could not remember na umuwi ako and changed my clothes. Bumaba ako ng hagdan, hindi ko inaasahang aabutan ko pa ito sa living room. Nakaupo ito sa couch while she was scrolling down her phone. There was that familiar heartbeat again. Alam kong hindi kailanman nabawasan ang pagti