~(AIZEN SANTOS POV) Nasasanay na rin ako sa sa set-up namin nito. Mas madalas na ipasundo niya ako sa kung kaninong driver. Hindi ko natatandaan ang mga pangalan nila dahil bawat araw ay iba-iba naman ang mga ito. Mas komportable ako na madalang ko itong makita sa bahay. Mabuti na rin iyong hindi kami nag-iinimikan. 'Yun nga lang ay hindi ko talaga maiwasang maging apektado kapag nakikita ang mga mata nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. "Ma'am?" Nag-angat ako ng tingin sa pagtawag sa akin ni Alex. I just raised an eyebrow. "May naghahanap po sa inyo sa lobby, Russ Sandoval daw po." Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-excite. Pakiramdam ko kasi ay magkasundo na kaming dalawa kahit saglit lang kaming nagkakasama noon sa Hacienda. Sa sandaling panahon na iyon ay marami na kaming