~(CHANTAL LANE SY POV) Kung alam ko lang na 'yung kalahating higad at kalahating dikyang si Steph ang may pa-event ngayon, natulog na lang sana ako nang mahimbing sa unit ko.I thought sleeping was more productive than attending an event like this lalo pa at hindi ang kaaya-aya ang makikita ko. "Nasaan ba 'yang si Kier?" tanong ko sa kaibigan ko at sa mga kaibigan ni Kier Sandoval na na-meet namin sa 7th bar. Iyong gabing napasabak kami ni Hailey sa bruhildang si Steph. Isa lang sa kanila ang wala roon. Iyong Gab, Gabe, I don't know his name. Napabuntong hininga ako nang dumapo ang tingin ko kay Zen. Mukha siyang nag-shabu. Mukhang lutang na lutang. Kaunti na lang iisipin kong pinatikim na ito ni Kier. Brent shrugged. "Baka nandu'n lang sa garden 'yon." Ano naman ginagawa niya sa gar