~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Napakamot na lang ako sa likod ng tainga ko habang nakatingin kay Kier na nakasandal sa swivel chair at nakatingin sa kawalan. Pinapunta niya ako rito just to say nothing to me. "What are you thinking?" hindi ko napigilang itanong. Nanatili itong nakatingin sa kawalan. "Someone tried to shoot me." Agad akong napaayos ng upo, "What?" Nakaramdam agad ako ng pagpa-panic sa sinabi nito habang wala man lang itong reaksyon at mukhang wala lang iyon sa kanya. It seemed like he didn't care at all. "Kahapon paghinto ng sasakyan ko sa traffic light, may humintong rider sa gilid ng sasakyan ko. He tried to shoot me." Napaawang ang mga labi ko, "f**k? And you managed to attend Hailey's party na parang walang nangyari? Mabuti na lang bulletproof ang sasakyan mo, kung