Aizen Santos
__
"I said smoothie not coffee," sabi ko kay Alex nang ilapag nito ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa ko.
"Ma'am, coffee po ang sabi n'yo."
Tumaas ang isang kilay ko. "No."
Tinaas nito ang kamay sa ere. "Promise ho, ma'am, coffee po ang sabi n'yo mamatay man po 'yung chismosang kapitbahay namin. Pero sige ho, ma'am, pabibilhan ko po kayo ng mango flavored smoothie ngayon din, now na."
"Better. Lalo akong nenerbyosin sa kapeng 'yan." Binuklat ko ang folder na nasa ibabaw ng mesa ko.
Tambak ako ng paperworks dahil ilang weeks akong absent. Abala kasi ako noon sa pag-aayos ng kasal namin ni Kevin. I was very hands-on. I wanted every little details to be perfect.
I couldn't believe I wasted five years of my life for a cheater like him. These past few weeks hindi ko rin nakuhang mag-concentrate sa trabaho. Kusang pumapasok sa isip ko ang panloloko nito.
"Ah, ma'am, okay lang po kayo?"
Nag-angat ako ng tingin kay Alex. Hindi pa rin pala ito umaalis. Nakatingin siya sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa pen.
Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair ko.
"Yeah..."
"Sigurado ho kayo? Napansin ko lang po kanina pa po kayo wala sa sarili. Hindi n'yo po ako napansin sa elevator kanina, buti na lang po magkasabay tayo kung hindi lalagpas po kayo ng floor."
I really couldn't believe it. Hindi nawala sa isip ko ang ginawa ng lalaking 'yon.
Bumungisngis ito. "Kung gano'n din naman po ka-guwapo gaya ni Mr. Sandoval ang hahalik sa akin baka po hindi ko rin matanggal sa isip ko at matulala rin ako. Nakatingin nga lang po ako sa kaniya kanina tulaley na ako, paano pa po kaya kapag hinalikan niya ako katulad nang pag-halik niya sa inyo kanina? Baka po na-comatose na ako!"
"Excuse me, I wasn't thinking about the kiss," agad depensa ko.
"Talaga ho, ma'am?" Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. "Ano pong iniisip n'yo kanina habang nakakagat at hawak sa labi niyo?"
I glared at her. Should I really explain? Itinuro ko ang pinto nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Humalakhak ito. "Sige ho, ma'am. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo." Muli itong ngumiti nang makahulugan bago tuluyang umalis.
Hindi ko alam kung paano nito nalaman na ikinasal ako sa lalaking 'yon. Sa malamang ay nakuwento sa kaniya ni Lyn. Ang secretary ni Chantal na naging kaibigan niya na rin.
Mukhang kilalang-kilala nila ang Sandoval na iyon at hindi ito makapaniwala habang kino-confirm sa akin kung tatoo ang nasagap niyang balitang kinasal kami nito. I guess everyone knew him. Even Hailey couldn't believe it. Narinig ko tuloy ito sa isip ko.
"Duh! Hindi ka ba nagbabasa ng news or nagbabasa man lang ng mga business magazines, Bal? Madalas kaya silang ma-feature sa mga magazine dahil sila lang naman ang pinaka-mayamang angkan dito sa bansa. And seriously, Kier Sandoval? Kier Sandoval lang naman 'yong nabinwit mo, Bal! Siya lang naman ang oh so hot yummy na CEO ng pinaka-malaking kompanya dito sa Pinas! You know what? Para kang wala sa business industry!"
At hindi ko na maalala pa ilang sinabi nito dahil para itong nagra-rap sa sobrang bilis magsalita.
To be honest wala akong hilig magbasa ng magazines at manuod ng news. Wala rin akong hilig sa social media because I wanted to keep my life private.
Madalas ko na rin marinig ang apelyido ng mga ito noon at sigurado nakita ko na rin kung saan-saan ang mga mukha nila pero nalimutan ko na lang. Wala naman kasi akong hilig tumanda ng pangalan at mukha ng tao.
Pumikit ako nang mariin at inikot-ikot ko ang swivel chair ko.
Focus. Focus, Zen.
Sinumulan ko ang ilang paperworks. Napapabuntong hininga ako once in a while dahil pumapasok ang Sandoval na iyon sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit naalala ko ang walang ekspresyong mga mata nito, ang kilay nitong laging salubong, his perfect nose, his soft lips na pakiramdam ko ay nakasayad pa rin sa mga labi ko. I must be crazy.
Matagal kong hinanap ang focus ko bago ako maging tutok sa trabaho. Ilang sandali pa ay may narinig akong malamig na boses sa silid.
"Do you know what time is it?"
I froze for a moment nang marinig ko ang boses nito. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok siya sa opisina ko.
Agad akong nakabawi. Simple akong sumilip sa orasan na nasa ibabaw ng table ko bago tumingin sa mukhang niyang aburido.
"5:35 p.m.. Walang battery 'yang watch mo? Sayang, it looks expensive."
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito sa pagiging sarkastiko ko. Napalunok ako. 5:35? Ang bilis naman yata ng oras?
"You're 35 minutes late. I thought I have told you that I hate waiting?"
Tiniklop ko ang mga folder sa harap ko. "If you cannot wait, just go and leave me alone. I thought I have told you as well that I can go home alone?"
Nakita ko ang pagtatangis ng bagang niya. I gulped something down my throat. Hindi ko alam kung kakabahan ako or what, but I must tell that his jawline look so damn-- I should shut the ef up. Really.
I should be mad at him for entering this room without even knocking.
"Do you know what husband and wife do?" tanong nito sabay bulsa ng dalawang kamay niya.
Bakit ba ang guwapo niya sa all black na outfit? At bakit ba laging nakabukas ang dalawang butones ng sleeves niya? Hindi ba siya marunong magsara ng butones?
Kung kanina ay mukhang bubugahan niya ako ng apoy, ngayon ay nakangisi naman ito na parang may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.
Dahan-dahan siyang humakbang at sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay napapalunok ako.
"They care for each other," he looked so neat, ang bango-bango niyang tingnan at lalo iyong dumagdag sa s*x appeal niya, "show affection to each other."
Hinila niya ang swivel chair ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Dinantay niya ang mga kamay niya sa armrest and leaned forward hanggang sa maamoy ko ang mabango niyang hininga. Pakiramdam ko ay nagwawala na ang puso ko.
Lalo itong ngumisi. Maybe he saw how vulnerable I was. No. Hindi niya dapat makitang affected ka! Sigaw ko sa sarili ko.
"And..." His breath smelled so good. Sunod-sunod ang paglunok ko nang tumingin siya sa mga labi ko. "They make love until they get tired."
Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko sa huling sinabi niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. His scent was making me crazy. Pakiramdam ko ay ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang magdikit ang dulo ng ilong namin.
I should be pushing him away. I should—my eyes automatically closed. I was waiting for his lips to touch mine but—
"Ma'am--" Agad akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Alex sa pinto. He didn't even move. He was just staring at me. "So-sorry po, sorry po sa istorbo," saad ni Alex at tumawa nang alanganin at isinara ng pinto.
Dahan-dahan lumayo si Kier sa akin. I moved my swivel chair back at my table at kulang na lang yakapin ko ang mesa ko sa sobrang kahihiyan.
Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. He was so chill.
Mabilis kong inayos ang gamit ko at tumayo na. Hinayaan kong kusang humakbang ang paa ko palabas ng silid. I was shaking, and I was so thankful that I've got my ass out of that room without fainting.
Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang bisig na humapit sa baywang ko. It was him.
Tiningala ko ito and I saw smirk on his lips. Tatanggalin ko sana ang braso niya sa waist ko pero napansin kong kinikilig na nakatingin sa amin ang mga empleyado. Seriously? Gusto kong mapairap but I just faked a smile. Hindi ko gustong makahalata ang mga ito.
Huminto kami sa harap ng elevator habang hinihintay iyong bumukas. Bumukas din iyon pagkatapos ng ilang sandali. Akmang mauuna ako sa loob pero Lalo niyang hinigit ang baywang ko. He even managed to press the number three button pagpasok namin sa loob.
I was so stiffed. I didn't want him to see that I was really affected. Ayokong magamit niya iyon in the future to manipulate me.
"You can now get your hands off me," paagtataray ko.
Nagkatinginan kami sa salamin ng elevator. We stared at each other for a while bago niya bitiwan ang waist ko. Pasimple akong humugot nang malalim na hininga. Hindi pa ako nakaka-exhale ay naramdaman ko na ang kamay niyang gumapang sa palad ko.
Damn, he was giving me a heart attack.
Tila nakikipaghabulan ang puso ko sa bilis ng t***k. Air-conditioned naman ang lift pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako sa init ng kamay nito. Akmang babawiin ko ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang kapit doon.
"Get used to it, Mrs. Sandoval," he said.
What? What did he call me?
"You're my wife now." Binitiwan nito ang kamay ko. "Be a wife to me and I'll be a husband to you."
Bumukas ang lift at nauna itong lumabas.
How can I be a wife to him?
Nakapamulsa itong humarap sa akin. "Just when there are people watching."