~(AIZEN SANTOS POV) He already sliced the apple nang malaman niyang hindi ko gusto ang balat no'n. Dahil likas na mapaggawa ito ng paraan, kinagat na lang nito ang parte na may balat pagkatapos ay akmang isusubo sa akin ang natira. I chuckled, "Seriously?" "Eat it." Hindi talaga ito papayag na ako ang magsusubo sa sarili ko kahit pa hindi naman ako baldado. Sa totoo lang ay magaan naman ang pakiramdam ko. I felt so much better already bago pa kami umalis ng ospital kani-kanina lang. "Get better, may pupuntahan tayo sa isang araw," anito at muling kumagat sa apple bago iyon isinubo sa akin. "I told you, I'm fine," sabi ko habang ngumunguya. May sugat pa rin ang gilid ng ulo ko pero hindi ko na iyon masyadong iniinda. "Saan tayo pupunta?" "Basta." Pagkatapos akong pakainin ay naging