Kabanata 137

1655 Words

Kabanata 137 NANG nasa trabaho na sila ay agad din naman silang kumilos ni Merna. Hindi na nga nila napag-usapan ulit ang kanina ay pasaring niya tungkol sa kakaibang nararamdaman niya. Hindi na rin naman siya nag-open up pa kay Merna ulit dahil alam niyang babarahin lamang siya nito. Ayaw din kasi nito ng mga negatibong bagay pero ewan ba, ayaw talaga mawala sa isipan niya. Pinilig niya ang kanyang ulo at inabala na lamang ang kanyang sarili sa pagpupunas ng salamin. Habang ginagawa niya iyon ay may lalaking nakasuot ng tuxedo naman ang lumapit sa kanya. Hindi niya malaman kung bodyguard niya ba ito o hindi. May earpiece kasi itong suot sa tainga. "Ikaw ba si Lucia Lacsamana?" tanong ng lalaki sa kanya. "Yes po sir. Bakit po?" "May gusto lang na kumausap sa iyo. Puwede bang sumam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD