Kabanata 154 Tumigil naman sa pag-ring ang kanyang cellphone. Nagulat naman siya dahil may malaking ilaw ang nasa kalsada. Mabilis siyang lumakad at tiningnan ito. Hindi niya maaninag ang kulay ng sasakyan at tangging ilaw lamang ang nakikita niya. Her eyes squinted, she really wants to see who is the driver of the car. Huminto naman ito at agad na bumukas ang pinto sa may driver's seat. Lumabas ang lalaki at huminto ito sa gitna. Natigilan siya. Pinahina naman nito ang ilaw ng sasakyan at doon niya na naaninag kung sino ito. Nahigit niya ang kanyang hininga. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ito. Ngunit nag-aalangan siyang sambitin ang pangalan nito dahil hindi niya alam kung si Renzo ba ito o si Laurenzo. "Cia?" tawag nito sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha niya nang ma