Kabanata 90 Pagkatapos makapag-ayos ni Merna sa lahat ay sobrang tuwa niya dahil mas lalong gumanda si Merna sa final look nito. "For sure, maduduling si Jefferson sa iyo," nakangiti niyang ani. "Ano iyon? Nalasing sa kagandahan ko?" "Bakit? Hindi ba puwede? Ganda mo kaya oh." "Salamat talaga Lucia." "Wala iyon Merna. Ano oras na ba? Baka nasa labas na si Jefferson." "Nagpasundo ka ba ulit sa kanya?" "Hmm? Oo, siya na maghahatid sa akin lagi pagkatapos ng trabaho ko," sagot niya. "Bongga naman itong friend ko. Afford na afford ang McLaren service." "Si Laurenzo may gusto niyan," sagot niya na lamang. Hindi pa naman alam ni Merna ang totoo. Nakukunsensya na tuloy siya pero kasi hindi niya kasi dapat ipaalam sa iba. Hirap! Lumabas na sila ni Merna sa locker room. Agad din