Kabanata 113 KINABUKASAN ay nagising siyang wala na si Renzo sa kanyang tabi. Napaunat siya ng kanyang mga braso at napahikab ng ilang beses. Bumangon siya at bumaba sa kama. Kinuha niya ang bathrobe at agad itong isinuot. Lumabas siya ng kanyang villa at naglalakad papunta sa dalampasigan. Hinahanap niya ang lalaki. Habang malayo ang tingin niya ay bigla namang lumitaw si Renzo. Naliligo pala ito sa dagat at mukhang aahon na ito. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Nakakasilaw talaga ang kaguwapuhan nito. Hindi niya maiwasang mapatulala lalo na at nakikita niyang nakabandera ang magandang pangangatawan nito. Bigla namang may sumiko sa kanya. "Tutulo na laway mo, pati mga mata mo, luluwa na rin," wika ni Merna sa kanyang tabi. "Paano ako makakatanggi kung iyan ba naman ang kah