Kabanata 149 "Hindi pa naman final ang decision ko. Umaasa pa rin naman ako na maaayos namin ni Renzo ang problema namin. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon." Merna sighs. "Nandito lang ako palagi, okay? Kapag gusto mo ng kausap at maiiyakan, magsabi ka lang sa akin." Tipid siyang tumango at ngumiti rito. Pagkatapos niyon ay kumain na silang dalawa ni Merna. DUMAAN ang mga ilang araw ay wala pa ring pagbabago sa status nilang dalawa ni Renzo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagpapalit ng ibang katauhan. Hindi niya alam kung bakit pero halos maglilimang araw na yata itong naging si Renzo na lang palagi. Nahihirapan tuloy siyang ayusin ang problema nilang dalawa. Mas lalo pa siyang nahirapan ng husto dahil panay ang iwas sa kanya ni Renzo. Sa tuwing