Kabanata 131 Pagkatapos nilang kumain ni Laurenzo ay bumalik ulit sila sa pamimili. Namili rin siya ng mga ibibigay niya kina Merna, Dhea at Berta. Bumili rin siya para kay Jefferson at Jigs. Hindi naman nag-react si Laurenzo. Gustong-gusto pa nga nitong kumuha siya ng marami. Siya na nga lang itong panay ang pagtanggi. Pagkatapos niyon ay ipinahatid nila mula sa driver ang mga pinamili nila. Namasyal pa silang dalawa ni Laurenzo at kung saan-saan siya nito dinala. Nasa park na sila ngayon at nakaupo sa bakanteng bench. Pareho silang dalawa na nakatanaw sa isang malawak na lake. "Lucia, if I happen to forget everything later at night. Please tell Renzo, he should bring you to the Eiffel Tower. Make him sure that he will bring you there," biglang wika ni Laurenzo sa kanya. Binalingan