Hindi n'ya namamalayan na gumaganti pala s'ya ng halik sa asawa, habang nakapikit ang mga mata. At nasa bewang n'ya ang isang kamay ng asawa, at isa naman ang nakahawak sa may baba n'ya. Nararamdaman na rin n'ya ang mainit na gumagapang pababa sa katawan n'ya. Hindi na rin n'ya napigilan ang mapa ungol, habang sakop pa rin ng asawa ang mga labi n'ya. "Hhhhmm," ungol n'ya. Patuloy sila sa mainit na paghahalikan. Ramdam n'ya ang kasabikan sa bawat galaw ng mga labi ng asawa at ganoon rin s'ya. Kung alam lang n'yang ganito pala katamis ang totoong halik ng asawa sa kanya ay di sana dati pa s'yang bumigay. "Ma'am, ayaw po magpa istorbo ni Sir Liam," Tinig na narinig n'ya. Kasunod ang paglaya ng mga labi n'ya mula sa labi ng asawa. Nagbukas s'ya ng mga mata. Nakita n'yang nalipat ang aten