"Literally you are a kidnapper," saad ni Zandro sa kanya. Dahil na rin sa kawalan ng makakausap tinawagan n'ya si Zandro at nakipagkita s'ya sa Vince Bar. Sinabi n'ya ang ginawa n'ya kay Bianca. "Alam mo bang pwede kang makasuhan sa ginagawa mo," "I know. Kung may maghahanap sa kanya," "What do you mean?" "Mag-isa lang naman yata s'ya dito sa San Miguel. Baka nga nakarating lang s'ya dito sa Bayan natin dahil kay Bernard. Pinaka kalkal ko ang school record n'ya sa San Miguel University. New student s'ya sa unibersidad," paliwanag n'ya kay Zandro. "Wala pang 24 hours huwag ka munang makampante d'yan," sagot nito sa kanya. "Kung may maghahanap sa kanya si Bernard 'yon panigurado," "Eh ano nang balak mo sa kanya? Don't tell me itatago mo s'ya sa yate mo habang buhay," natatawang sabi