Matapos ang klase, nagmamadali na siyang lumakad palabas ng classroom nang pigilan siya nina Hazel at Stacey. Mga dati niyang kaibigan. "Have you heard sa nangyari kay Rodney kanina lang?" tanong ni Hazel sa kanya. "No, and I am not interested," agad na sagot niya at nilampasan ang dalawa. Sumunod naman ang mga ito sa kanya. Inikot niya ang mga mata. Alam niyang walang sasabihing maganda ang mga 'to sa kanya. "Na-kick out si Rodney dito sa university," sabi ni Stacey. Napahinto siya sa paghakbang at sinulyapan ang dalawa. "May nag-report sa ginawa ni Rodney sa 'yo noong party. And may witness din, kaya nagdesisyon ang university na i-kick out siya," saad naman ni Hazel. Hindi siya nakakibo. Pinaglipat-lipat lang niya ang tingin sa dalawa. "Usap-usapan na kilalang tao ang na

