“Are you okay, Bianca?” tanong sa kanya ng asawa. Hindi pa rin siya makakilos sa gulat at sa bilis ng mga pangyayari. “Bianca,” tawag muli sa kanya ni Liam. At humakbang ito palapit. “Ayos ka lang ba?” tanong nito habang hinahawakan siya sa braso. “Liam, ako na lang muna ang kakausap sa parents ni Rodney about what happened. Kaibigan ko ang Mommy ni Rodney,” sabi ni Irene. “Yes, please,” sagot ng asawa. “Can I talk to you for a while?” sabi ni Irene at sinulyapan siya. Wala siyang kibo. Nanatili lang siyang nakasunod ng tingin sa dalawa. Sumunod si Liam kay Irene sa di-kalayuan, at doon nag-usap ang mga ito. Kung ano ang pinag-uusapan nila ay hindi niya alam. Panay ang sulyap sa kanya ni Irene, at naiinis siya. Lalo na sa pasimpleng paghawak-hawak nito sa asawa niya. Matapos mag-us

