Makalipas ang tatlong linggo naayos ang lahat ng kailangan nila ni Liam sa engrandeng kasal nila sa malaking simbahan ng San Miguel. Inimbita ng Daddy n'ya ang mga taong naging katuwang nito sa pagpapalaki sa kanya noong sa dati nilang tinirhan. Nais ng ama na ipaalam sa mga ito na naging maganda ang buhay n'ya. Kahit todo hirap sila noon. Sinabi rin ng ama kung gaano ito ka proud sa kanya. Kahit buntis na s'ya at magpapakasal ipagpapatuloy pa rin naman n'ya ang pag-aaral. Pagsusumikapan pa rin n'yang maka graduate kahit buntis na s'ya. Ilang buwan na lang naman makaka graduate na s'ya. At napag usapa na nila ni Liam ang bagay na 'yon. Magtatrabaho s'ya pag lumaki na ang anak nila. Tutulong s'ya sa pagpapalago ng negosyo ng asawa. At ito na ang araw na matagal na n'yang hinhintay. A