Nagising siya na tila binibiyak ang ulo niya sa sakit. Napadaing pa siya sa sobrang sakit at pinilit na makabangon. "Aray ko, bakit ang sakit naman ng ulo ko?" tanong niya sa sarili nang makaupo sa kama at sinalo ang ulong nananakit. Inaalala niya ang mga nangyari kagabi. Kung bakit sobrang sakit ng ulo niya ay dahil uminom siya ng alak. Nasobrahan siya ng inom. "Hindi na 'ko iinom ulit," bulong niya. At bumaba na siya sa kama para maghilamos. Nang maalala niya si Liam. "Liam," bulong niya sa pangalan ng asawa. Nanlaki ang mga mata niya nang iyuko ang sarili. Nakasuot siya ng malaking t-shirt. Hindi niya t-shirt 'yon, malamang kay Liam. Bumaba ang tingin niya sa boxer shorts na suot niya. Kinapa niya ang dibdib at lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang mapansing wala siyan

