Chapter 22: Indifferent ZACHARY AXL'S P.O.V Nang makaalis na si Serenity sa harapan ko ay agad akong napatulala sa kawalan. Hindi kaagad nag-sink in sa isip ko ang sinabing iyon ni Serenity sa akin. Tila naguguluhan ako sa mga pangyayari. Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil maaari na pumayag si Serenity na makipag-divorce sa akin. Agad kong naikuyom ang kamao dahil hindi ko alam ang dapat na gawin. Wala naman akong intensyon na awayin siya. Gusto ko lang naman itanong kung totoo bang sinisanti niya si Terine. Hindi ko naman akalain na bigla siyang hihiling sa akin samahan siya magbakasyon. Naisip ko na baka kaya niya ako inaaya na magbakasyon kasama siya dahil kailangan niyang pahupain ang issue na kumalat sa kumpanya niya. Nang medyo natauhan na ako ay nagpasiya na l

