Chapter 26: Having Fun SERENITY VALENTINE'S P.O.V Agad akong nagising sa sinag ng araw na tumapat sa aking mukha. Kasabay ng pag-gising ko ay naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Mabilis akong napaupo sa kama at saka ko lang na-realize na hindi lang pala panaginip ang lahat ng nangyari kagabi. Nalasing man ako pero naaalala ko ang lahat ng sinabi at ginawa namin ni Axl. Nakahinga ako nang maluwag ng makita si Axl na mahimbing na natutulog sa tabi habang pareho kaming mga walang suot na damit. Napasinghap pa ako ng maramdaman kong yakapin niya ako at hinila palapit sa kanya. At dahil sa ginawa niyang iyon ay hindi ko napigilang mapangiti at kiligin. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang lalaking mahal mo ang unang makikita mo pag-gising mo sa umaga. "Did you finally wake up

