HINDI pa dumarating si Don Victor. Hindi na iniiwan ni Athena sa kuwarto si David na naka-lock ang pinto. Hindi naman ito makakatakas. Wala namang naglalakas-loob na usigin siya tungkol kay David. Malaya itong nakakalabas ng kuwarto pero nilimitahan niya itong lumabas ng gusali. Hindi maintindihan ni Athena bakit palagi siyang balisa at may pagkakataong gusto niyang ilayo sa lugar na iyon si David. Hindi na niya maipigil ang pagsuway sa kanya ng kanyang puso ngunit ayaw niyang masanay sa binata kaya pilit niya itong iniiwasan. Alam niya na hindi madaling yakapin ang pagkatao nito. Nasa laboratory siya nang marinig niya ang emergency alarm. Tumakbo siya palabas at kumuha siya ng baril sa armory. Kapag ganoong tumunog ang alarm ay mayroong mga lobong sumasalakay sa kanila. Naisip niya. Maa