Dinala ko si Kiel sa sala dahil marami pa akong balak itanong at i-klaro sa kaniya. Kagaya nalang ng, "Nananaginip pa rin ba ako?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang magulo kong buhok. "Hindi kana nananaginip, Hannah. Totoo na ang nakikita mo." Sagot nito pero hindi pa rin ako naniniwala. "Parang hindi talaga e. Kurutin mo nga ako!" Utos ko rito pero tanging iling lang ang iginanti nito. "Hindi kita kayang saktan, Hannah. Hindi kaya ng puso kong nakikita kang nasasaktan." Seryosong saad nito kaya muling namula ang pisngi ko. Ang corny pakinggan ng mga sinasabi niya pero iba ang epekto sa akin! "Ano ba 'yan! Para kurot lang e! Kurutin mo na kasi ako para malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi!" Pagsusungit ko para itago ang ngiting gustong sumilay sa labi ko. "Ah, 'yan ba ang

