Dinala ko siya sa mall para bumili ng mga regalo, hindi lang para sa kanyang kapatid, kundi para sa kanyang buong pamilya. Noong nasa mall na kami, nagpaalam muna ako sandali para pumunta sa office. Pagkaalis ko ay dali-daling pumasok si Elaine sa banyo at agad na tinawagan ang boyfriend niya. Alaine’s POV "Hello, babe..." sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Babe, nasaan ka? Bakit ka lumabas?" galit na tanong ni Elaine. "Babe, gusto ko lang na mamasyal tayo," sagot nito. "Mamasyal tayo sa ibang araw, pero hindi ngayon. Alam mo namang nandito ako kasama ang partner ko," inis niyang saad sa kabilang linya. "Kasi nagseselos ako! Bakit hindi mo iwan ang tangang tomboy na ‘yan!" galit na turan ng nobyo sa kabilang linya. "Alam mo naman na hindi gano'n kadali ang gusto mo. Alam mong si