DALAWANG ARAW MALAY SI JENN

1572 Words

HANGGANG sa dinala nila ako sa clinic na nasa sa loob lang ng city jail. Pagkatapos nila akong isugod sa clinic, agad rin silang pinabalik sa aming selda, at iniwan akong mag-isa. Hindi ko alam kung ilang araw na ako sa loob ng ospital. Hanggang sa nagising ako, dahan-dahang kong iminulat ang aking mga mata. Nakatitig ako sa kisame, sobrang puti ng pintura at maliwanag ang ilaw. Bigla akong kinabahan, bumilis ang t***k ng puso ko. "Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?" sunod-sunod na tanong ko sa sarili. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng isang lalaki, at nakasuot siya ng puting robe. Doctor yata siya. "Mabuti na ang pakiramdam ko, doktor." "Kung ganoon, maaari ka nang bumalik sa iyong selda," wika niya. "Dok, ilang araw na ba ako dito sa ospital?" inosente kong tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD