Alyas Pogi
AiTenshi
May 26, 2017
Part 7
Dalawang linggo ang lumipas matapos ang pakikipag away ni Bogs sa bilyaran kasama ng mga katropa niya, muling bumalik sa normal ang kanyang buhay. Mabilis siyang naka recover mula sa mga sugat at pasa natamo dulot ng kaguluhan. Ngayon ay parang walang nangyari dito, wala na ang sugat at galos sa kanyang mukha kaya balik GGSS nanaman ang lolo nyo. Ewan ko ba naman sa balat ng mokong, daig pa ang eraser dahil hindi nag kaka peklat ang kanyang katawan bagamat madalas itong nakikipag away.
Tungkol naman sa aming samahan, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Ang ibig kong sabihin ay sakto lang na parang isang normal na mag kaibigan. Nag ngingitian kapag nag kakasalubong sa school o kaya ay nag babatian. Hindi katulad dati na talagang hindi siya ang eexist sa mundo ko at ganoon rin siya sa akin. Bukod pa roon ay hindi ko na alam ang mga detalye sa buhay niya, basta mahilig pa rin itong tumambay at gumimik kasama ng mga katropa niya, paminsan minsan ay hindi pumapasok para mag libot sa mall o kaya ay mag sugal. Hindi ko naman nababalitaan na nakikipag away ito sa palagay ko ay wala na akong paki alam doon.
“Nakaka lungkot no? Hindi na natin nakakasama si Papa Bogs” ang wika ni Yani habang naka tanaw sa ground. Naka ugalian na kasi namin ang tumambay dito sa 3rd floor upang panoorin yung ginagawa ng mga estudyante doon sa ibaba.
“Syempre, wala na siyang agenda sa atin, ang ibig kong sabihin ay tapos na ang role niya bilang “pekeng” jowa ko kaya bakit pa siya sasama sa atin? Dito ang mundo natin sa payapa at tuwid na daan. Ang mundo niya ay nandoon sa labas kasama ng mga drug adik niyang kaibigan” tugon ko naman.
“Eh bakit parang may halong hinanakit iyang reasoning mo ha? Naku If I know, feel na feel mo na iyang si papa Bogs. At ngayon ay nalulungkot ka dahil mabilis natapos ang umaatikabong landian nyo” pang aasar niya.
“Walang landiang naganap pero maya maya ay mahuhulog dito sa 3rd floor kapag hindi siya tumahimik” pag paparinig ko. “Ang sama mo naman frend, tina-try ko lang naman ifigure out kung ano ang nararamdaman mo inside eh. Syempre mahirap ideny na nakaka miss din yung kalokohan ni papa Bogs. Saka yung ngiti niya, yung tigtig niya na parang mananaknaksak at yung amoy ng pawis niyang nakaka pag taas ng libido. Yung amoy niyang lalaking lalaki at nakaka baliw halik. Hayyy as in sobrang sad talaga.” Tugon ni Yani na may halong lungkot at pang hihinayang na hindi mo malaman.
“Ikaw lang ang sad no, ako ay hindi. Dati naman siyang hindi parte ng buhay ko kaya’t bakit ako malulungkot?” sagot ko naman.
“Ang arte mo naman eh, alam kong deep inside miss na miss mo na siya.”
“Sige ipush mo iyang teyorya mong mala big bang sa kalandian. Teka bakit ba nag kakagulo ang mga beki doon sa labas? Saka tingnan mo yung mga beki dito sa taas ay nag uunahan rin sa pag baba, ano bang mayroon?” pag tataka ko naman noong mapansing nag kakagulo sa ibaba ng ground.
“Alam mo kanina ko pa nga napapansin iyan eh. Teka harangin ko itong baklita palabas ng classroom.” Wika ni Yani sabay tawag sa isang pababa ng hagdan. “Oy beks bakit ba nag kaka gulo kayo? May artista ba campus? Nandyan ba si Kiko Peralta at Jevan Monsuni? Jusko excited na ako sa brokeback mountain movie nila!!!” ang wika ni Yani.
“Ayy wit mother, wala sila papa Kiko dito. Mas matindi pa ito sa inaasahan ninyo!! Dyan na nga kayo! Baka maubusan pa ako ng ticket!!” pag aapura nito
“Anong ticket? Ichika mo na nga sa akin iyan bakla, ang selfish mo naman eh” pag pupumilit nito
Maya maya ay nag lulundag ang beking bata na parang matatae sa kilig. Nag titili ito ng pigil habang naka hawak kay Yani. “Ang arte mo naman beks, kailangan talaga mag titili muna? Sabihin mo na!!”
“Heto na mader!! Heto na!!! Heto ang pinapangarap ng lahat!! Jusko mader ilang taong namin itong hinintay!!!!”
“Eh ano nga iyon? Uupakan na kita jan eh! Talon ka ng talon gusto mo ihulog na kita sa hagdan?” naiinis na tanong ni Yani bagamat bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag kaintriga.
“Jusko!! Dream come true ito mamah, si Papa Bogsli ay sasayaw mamaya doon sa Simple Pleasure Bar!! Ilang taon na siyang inaawitan ng bar na iyon para sumayaw ng isang gabi pero hindi siya nag papa unlak. Juskoo!! Mamatay na ako!!!” ang maarte salita nito sabay tili.
“May ganoon epek? Eh ano naman ang meron sa Bar na iyan at nag papasayaw sila ng mga lalaking gwapo?” ang tanong ulit ni Yani
“Alam mo ang bar na iyon ang pinaka sikat na bar dito sa City, ang mga pinaka gwapong kalalakihan sa buong siyudad ang pinasasayaw. Actually dati ay may bad connotation ang pag sasayaw ng mga lalaking naka hubad sa bar kesho p****k ang mga ito o kaya ay callboy. Pero iba na ngayon mader dahil ang pag sasayaw sa bar na iyon ay isang karangalan na para sa mga gwapong kalalakihan. Heto ha, maraming mga papabols ang nag sayaw na roon noong mga nakararaang taon, nandyan yung winner ng bikini open, title holder ng mga pageants at mga aktor sa indie film. Noong nakaraang taon nga ay halos magiba ang buong bar dahil si papa Shan Dave ang nag sayaw. At pag imbitahan ka ng bar na iyon para sumayaw kompirmadong gwapo ka nga at talagang hinahabol ng lahat. So si papa Bogs ang sasayaw ngayong taon!!! Jusko!! Hindi ako makahinga kailangan kong bumili ng ticket. May kamahalan eh 450 pesos ang isa pero okay lang kahit mawalan ako ng allowance basta makita ko lang ang alindog ni papa Bogs!! Its now or never kaya mga bakla excuse me!! Babushhhh!!” ang paliwanag nito sabay takbo pababa sa hagdan.
“Ay grabe sya oh, may kalandiang taglay ang bata bata pa. Iyon naman pala frend, sasayaw lang si Bogs mamaya sa Bar oh ano like mo ba? Bibili ako ng ticket para mapanood natin siya?” tanong ni Yani
“Wag na noh, saka ano naman mapapala natin sa pag sasayaw niya? Ka cheapan lang iyan dahil siguradong ang mga manonood lang dun ay ang mga baklang nag nanasa sa kanya! Callboy taon!!” ang sagot ko naman sabay tayo sa aking kinauupuan.
“Hindi nga daw callboy ang term doon kundi parang “challenge accepted” lang. Tinanggap ni papa Bogs ang pag sasayaw dahil gusto niyang patunayan sa buong siyudad na may K sya at gwapo sya. Eh totoo namang gwapo siya no. Saka tingnan mo nga pati yung mga teacher natin nakapila na sa bilihan ng ticket pati yung matandang dalagang dean ng kabilang department ay nandoon na rin. Ano papa huli ba tayo? Huwag kana nga mag pakipot dyan. Eto ang latest, eto ang trending Jom. History ito kaya dapat ay maging part tayo!” Pag aapura ni Yani sabay hatak sa akin ground.
“Ang pag sasayaw ni Bogart Lisangan sa isang bar ay history na? Ano to people power? Tigilan mo nga ako Bayani!” inis kong sagot.
"Pakipot ka pa dyan frend, tara na doon sa pila ng mga beki nag tutulakan ground. Maki join tayo sa trending event ng taon."
Hindi ko alam kung anong iniisip ni Bogs at kailangan niyang ibuyayang ang sariling katawan sa harap ng maraming tao. Talaga bang sumobra nalang ang paniniwala niya na siya ay gwapo kaya't ganoon nalang ang kompiyansa sa kanyang sarili o baka naman attention seeker lang ang mokong kaya't may ganitong pakulo. Ayoko naman ng ganyang kasintahan, turn off eh. Sa gagawin niya ay para na rin niyang pinababa ang kanyang pag katao. Di na baleng mag jowa nalang ako ng panget basta matino at walang saltik sa ulo katulad ni Bogart feelingero. Teka, bakit nga ba ako naiinis eh wala naman akong paki alam sa kanya.
Alas 5 ng hapon noong matapos ang pag pila ni Yani. Pagod na pagod ito ngunit matagumpay naman siyang naka kuha ng dalawang ticket na ang title ay "BOGS ON FIRE". Tapos may mukha niya na parang nang aakit na animo libog na libog.
"Ano to concert? May bayad ang seats? Sa harap ay 1500 pesos para sa vip at sa susunod sa raw ay 1000 pesos. Ibang klase!" ang wika ko naman.
"Eh wala tayong magagawa dyan frend. Sold out na yung mga vip tickets. Kaya dito lang tayo sa tig 550 pesos. Pang apat na raw." ang wika ni Yani.
"Grabe ang halaga ng kahubadan ni Bogart ah, dapat sa kanya ay bigyan ng titulong "Bomba king" o kaya ay "Burlesk King". Lantaran na ba ng katawan? Ganyan siya kadesperado?" hirit ko pa.
"Ay wit frend, hindi desperado si Papa Bogs, tinanggap lang niya ang challenge sa kanya. At isa pa ay nag sayaw na rin doon si Shan Dave at ang mga gwapong tambay doon sa compound nila. Ngayon ay time na ni papa Bogart na mag shine!"
"Kung gusto niya palang mag shine edi sana ay bumili siya sa star wax at ikaskas niya sa mukha niyang ubod ng kapal!"
"Ang bitter much mo frend. Im sure naiinis ka lang dahil ayaw mong ginaganon ni papa Bogs ang sarili niya."
"Wala naman akong paki, ayoko lang na madamay tayo sa kalokohan niyang pag huhubad sa harap ng mga tao."
"Challenge Accepted nga kasi frend, ang kulit kulit mo."
"Whatever! Publicity craze idiot iyang si Bogs!"
Kinagabihan, alas 8 ng gabi noong sunduin ako ni Yani upang mag tungo sa makasaysayang lugar na pag darausan ng makasaysayan ding pag huhubad at pag c-call boy ni Bogart. Sa kalsada palang ay damang dama na ang trapik dahil sa dami ng mga baklita na nag nanais mag tungo sa isang direksyon na animo may rally, rebolusyon o alay lakad na magaganap sa loob ng isang bar. "Ibang klase talaga ang karisma nitong si Papa Bogs, tingnan mo trapik na buong siyudad." puna ni Yani.
"Umabot na sa ganyang level ang kabaliwang ito? Ibang klase talaga."
"Frend, kasama tayong dalawa sa mga baliw na iyon. Huwag ka na ngang bitter dyan. Ienjoy natin ang buong gabi. Balita ko buong klase natin ay nandoon rin. Oh diba parang naging acquaintance party ang pag huhubad ni papa Bogs."
"May ganoon? Eh sana pala sa araneta colisuem na siya nag hubad o kaya ay sa groud floor ng MOA para mas sikat hindi ba? O pwede rin doon sa Philippine Arena nahiya naman ako sa gandang lalaki niyang pang super model of the universe ang peg."
"Aba eh gwapo naman kasi si papa Bogs at malakas ang dating. Saka isa pa sa lahat ng sira ulong tambay na gago at malaki ang kalokohan sa buhay, si papa Bogs lang ang bukod tanging minahal ng mga beki kahit na namemera ito at nag nanakaw ng mga gamit ng mga baklang dinedate niya. Atleast diba nag nanakaw lang siya at hindi nambubugbog." naka ngiting wika ni Yani.
"Nambubugbog rin siya.. ng bulsa! Mukhang pera at kawatan. Siguro ay hindi naturuan ng nanay at tatay niya ng kahihiyan sa kanyang sarili kaya ayun naka sanayan na sa maling gawi."
"Challenge Accepted nga iyon frend, para sa mga gwapo, hunk at malakas ang dating katulad ni papa Bogs."
"Kailangan talaga paulit ulit?"
“Kulet mo kasi eh”
Makalipas ang ilang minuto ay narrating nga namin ang naturang bar kung saan mag sasayaw si Bogart, sa bungad palang ay naka pila na ang mga taong nag nanais manood sa kanyang makasaysayang performance at halos karamihan ng nandito ay mga beki, babae at iilan lamang ang lalaki na halatang nakatago lamang sa kanilang makapal na balbas at bigote. Kapansin pansin rin ang malaking poster ni Bogs na naka suot ng pantalong maong at walang paitaas na damit. Ibat ibang anggulo ang kuha niya sa larawan at iba iba rin ang pose ng mga ito. At dahil nga hindi maitanggi na napaka gwapo ng mokong poster ay nag mistulan na itong background sa photo booth at selfie ng mga naka pila sa entrance.
“Yung hindi naman artista pero lintik ang pila. Iba talaga ang karisma ni papa Bogs no?” ang naka ngising wika ni Yani.
“Edi siya na, ayoko nang mag salita dahil tiyak na mag mumukha nanaman akong kontrabida” sagot ko naman.
Tumagal ng halos 20 minutos ang pag pila namin ni Yani hanggang sa maka pasok na nga kami sa loob kung saan naka upo ang mga taong nag hihintay sa pag labas ng star ng gabi. Ang set up ng venue ay paikot ang mga upuan at nasa gitna ang maliit na entabladong bilog kung saan sasayaw si Bogs. Halatang pinag handaan nag stage dahil may rehas ito na parang style kulungan. Sa itaas ay mayroong spot light at kung ano ano pang lighting effects na nag papa tingkad sa buong lugar. Medyo malayo ang upuan namin ni Yani ngunit sapat ito upang makita si Bogs entablado, mayroon namang dalawang malaking big screen sa mag kabilang gilid kaya’t makikita pa rin ang bawat eksena.
Sa harap ng entablado ay ang mga VIP na kinabibilangan ng mayayabang bading at mga matrona, ang iba sa kanila ay may edad na at mukhang paakyat na sa hagdan ni San Pedro. Sa ikalawang baitang naman ay ang mga beking middle class na may magagandang trabaho ang ilan sa kanila ay may hawak na video camera at telescope para mas maiging makita ang dapat makita. Dito sa aming pwesto ay ang mga estudyante na halatang nag sakripisyo ng allowance para makapanood. Isa mo na itong katabi kong bagets na beki na halatang nakaka sibol palang. “Alam ba ng nanay at tatay mo na nandito ka? Ilang taon ka na nga?” ang tanong ko sa bata.
“Im 15, syempre hindi alam ni Mudrax hano, ang paalam ko ay gagawa lang ako ng project sa bahay ng kaklase. Jusko no, matagal kong pinag ipunan ito, isang linggo akong hindi nag recess at ang load para makapunta dito. Eh ikaw bakit nandito ka KUYA? Beki rin ba? Bakit hindi ka babaihan?” ang tanong nito sa akin na nakataas pa ang kilay.
Natingin ako kay Yani at nag tanong “Ano ba yung “babaihan?” Bakit hindi raw ako babaihan?” ang tanong ko
“Ang ibig sabihin noon ay hindi ka mukhang babae, hindi ka mukhang shoke. Lalaki ang itsura mo at walang bahid ng kabaklaan” bulong ni Yani
“Ganoon ba? Usisero naman tong bagets na katabi ko.” Sagot ko sabay harap sa batang baklita na noon ay nag lilipstick pa. “Eh kaklase ko ni Bogart, nandito kami para sumuporta lang sa kanya.” Ang sagot ko naman.
“Ah okay, akala ko ay isa ka pa sa makakalaban ko kay papa Bogs eh” mataray na sagot nito sabay irap pa sa akin.
“Taray ni Beks no? Kabata bata pa e lumalandi na. Gusto mo ba upakan ko na iyan?” bulong ni Yani
“Hayaan mo nga siya. Kailagayahan na niya ito. Pag bigyan” ang sagot ko naman at nasa ganoong posisyon kami ng biglang mamatay ang ilaw sa buong paligid. Sumindi ang spot light sa gitna ang entablado dahilan para mag tilian ang mga taong manonood. Maya maya ay tumugtog ang isang instrumental na musika at mula sa entablado ay nag karoon ng smoke effect na animo nasa ulap ang dating.
Lalong nayanig ang hiyawan sa buong paligid..
Mula sa entablado ay lumabas si Bogart na naka suot ng manipis telang pajamang puti (silhouette) kitang kita ang putting brief nito na high cut. Walang pang itaas na damit at may naka sukbit na pakpak ng anghel sa kanyang balikat.
Kitang kita ang kanyang magandang katawan, putok ang dibdib, may abs, ang bewang ay maliit ay ang braso ay bilugan. Halos napa nga nga lang lahat dahil sa pag kamangha. Pati ako hindi rin agad naka kibo na parang natutulala ako sa kanyang anyo, anghel ito ngunit nakaka demonyo ang gwapuhan. Tama nga sila, mukha siya ang pinaka gwapo at pinaka malakas ang dating doon sa kanilang compound. Siya si Bogart Linsangan, ang “Alyas Pogi.”
Itutuloy..