Alyas Pogi AiTenshi July 2, 2017 Part 23 Araw ng sabado, nag yaya si mama na mag dala ng supply sa huspisyo. Naalala niya kasi na mayroon pang natirang kaunting pondong nalikom nila sa opisina. Bitbit namin ang apat na kahon ng mga canned goods, noodles, at ilang kakanin para sa mga bata. Iyon nga lang ay hindi naka sama si Bogs dahil mayroon silang training sa basketball sa school. Buti nalang dahil nandito si Brad para tumulong sa pamamahagi ng iba pang pinamili sa mga bata. "Mukhang kilalang kilala kana ng mga bata dito Jom. Kapag nakikita ka nila sa tarangkahan ay lumulundag sila sa tuwa" ang wika ni Brad habang nag lalakad kami sa likod ng huspisyo. "Siguro ay dahil alam nilang mayroon akong dalang regalo para sa kanila. Alam mo naman na napamahal na rin sa akin yung mga