NAGMAMADALING nagbihis si Leslie. Hindi na siya namili ng damit. Ang unang nadampot niya ay iyon ang kanyang isinuot. Gabi naman kaya itim na backless, sleeveless slim dress ang suot niya. May maikli itong slit at ang laylayan ay hanggang tuhod. Marco was not aware that she wears any kind of dress. Ang alam marahil nito ay nasanay siya sa Jeddah na balot na balot ang katawan. Nagsuot siya ng dresses minsan pero hindi expose and legs at balikat niya, lalo na malamang ang kanyang likod. She just missed wearing those casual dresses, modern evening gown that she only wore when she was in London. Kahit ampon siya ng mag-asawang arabo ay nanatili siyang kristiano. They respect her pero siyempre, kapag nasa Jeddah siya ay kailangan niyang sumunod sa traditional cloths. Bawal kasi roon na expose