Chapter 2

3156 Words
HINDI maintindihan ni Leslie ang proseso ng pagpapakasal niya. Masyado namang maaga ang engagement nila ni Marco, tapos isang taon pa bago ang kasal. Hindi niya ito maaring makita ng ilang buwan bago ang kasal, ayon sa tradisyon, maliban kung kinakailangan. Nagdududa na talaga siya sa lalaking ‘yon. Ayaw naman ng mga magulang niya na ikasal na sila gayung graduating pa lang siya sa law school at magre-review pa siya para sa bar exam. Kailangan makapasa muna siya sa exam. Isang linggo pagkatapos ng engagement party ay bumalik siya sa London. Anim na buwan na lang ay graduate na siya. Pagkatapos niyon ay maghahanda na siya para mag-review sa   bar exam. Kasama pa rin niya si Lolita. Nag-focus siya sa pagre-review para sa magkasunod na exam at isinantabi muna ang ibang bagay. Pero may pagkakataon na naiisip pa rin niya si Marco. He inspired her to pass her remaining subjects. Wala siyang pinalagpas na pagkakataon. Wala siyang pahinga dahil kahit summer ay may subjects siyang kinuha para mapabilis. HINDI namalayan ni Leslie ang paglipas ng panahon dahil sa pagsubsob niya sa pag-aaral. Inasahan niya na dadalo si Marco sa graduation party niya pero ang sabi ng papa niya ay nasa Pilipinas ang fiance niya at inasikaso ang business nito. Nagpadala lang ito ng regalong 24 karat gold necklace sa kanya at binati siya sa f*******:. After graduation ay hindi pa rin siya umuwi ng Jeddah. Nanatili siya sa London at inasekaso ang kailangan niya para sa nalalapit na bar exam. Subsob din siya sa pagre-review. She was determined to pass the exam, halos wala na siyang pahinga. Bihira rin siya gumagala kahit kaliwa’t kanan ang nagyayaya sa kanya na mag-outing. Pagkalipas ng limang buwan, the long wait is over. Leslie cried after knowing the result of the bar exam. She made it to the top ten bar passer. Higit pa iyon sa expectation niya. Hindi niya inaasahan na sa araw mismo na lumabas ang bar examination result ay binati siya ni Marco through a landline. He called her at night after the result of the exam. Pumangalawa ang mga magulang niya sa pagbati at mga kaklase niya sa law school. Excited na siyang umuwi para mag-celebrate. At the same time ay naroon ang kanyang kaba dahil isang buwan na lang ay ikakasal na siya. Hindi pa rin niya maiwasang huwag magduda o mag-alangan kay Marco. Of course, she doesn’t have an idea about his personality. Minsan ay nagdadalawang-isip siya at gusto niyang magprotesta. Pero inaalala niya ang magiging reaksiyon ng mga magulang niya.  Pero ang matagal na panahon na paghihintay ay natuldukan. Sa araw mismo ng paglabas ng result ng exam ay nakatanggap siya ng regalo mula kay Marco. Nagulat siya nang malaman kung ano ang regalo sa kanya ni Marco, isang house and lot at isang magarang sasakyan na naroon sa Pilipinas. Iyon na ata ang pinakamalaking regalo na natanggap niya sa buong buhay niya. Pero ang mas nagpasabik sa kanya ay ang lugar kung saan matatagpuan ang regalo. Dumalo si Marco sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay sa London. Dumating ang mga magulang niya ngunit hanggang sa seremonya lang at kaagad ding umalis. Busy ang mga ito sa trabaho kaya hindi maaring magtagal sa London. Sa tinutuluyan nilang condo unit idinaos ang munting salo-salo kasama ang ilang katiwala nila. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ng sarilinan si Marco sa pribadong dining room habang magkasalo sila sa masarap na hapunan. Nasurpresa siya nang malamang magaling itong magsalita ng tagalog. Fluent na itong magsalita. “Limang taon akong tumira sa Pilipinas. Nag-invest ako roon ng business. May nabili akong malawak na lupain sa Talisay Cebu at ginawa kong farm. Ang lupa na binili ko para sa ‘yo ay malapit lang sa farm ko. Nalaman ko na Pinay ang totoo mong ina kaya naisip ko na baka magugustuhan mo ang regalo ko,” sabi ng binata, nang usisain niya ito bakit magaling itong managalog. “Doon ako ipinanganak at lumaki. Nag-migrate lang ako rito noong wala nang mag-alaga sa akin sa Pilipinas, kaya dinala ako rito ng nanay ko. After I graduated in Elementary, My mother took me and bring here to continue my studies. Pero nagkaroon siya ng malaking utang sa mga Abdumilah family na naging amo niya ng sampung taon. Hindi ko maintindihan bakit naisip niya na ipaampon ako para lang makauwi siya sa Pilipinas,” malungkot na kuwento niya. The sad fact suddenly left an unhealed wound in her heart. But she can’t curse her mother for leaving her. “I’m sad to know that,” komento nito sa malamig na tinig. “Hindi mo ba alam kung nasaan ang tatay mo?” She took a deep breath. “My mother told me that my father was already dead. But I don’t understand why I’m not convinced and I insist that maybe she lied, or she just hates my father. Nagagalit siya kapag nagtatanong ako tungkol sa tatay ko,” kuwento niya. Tumigil siya sa pagsubo nang mapansin na titig na titig sa kanya si Marco. Animo may magnet ang mga mata nito at hindi na niya maiiwas ang tingin dito. Pinulot nito ang nag-iisang cherry na nasa tuktok ng munting chocolate cake saka nito iyon inipit sa namula-mula nitong mga labi. Napalunok siya. Ibang klase ito kung tumitig, wari tumatagos sa puso niya. He looks seductive while doing that. Kinagat nito ang kalahati ng cheery saka iniumang sa bibig niya ang kalahati. “Let’s share our love,” he said with a sensual smile on his lips. Ibinuka naman niya ang kanyang bibig saka isinubo ang kalahating cherry. Naiwan ang tangkay ng cherry sa kamay nito.  Nginuya niya ang prutas habang hindi maalis ang tingin sa kanyang fiance. “What kind of love do you mean, Mr. Navas?” sarkastikong tanong niya. He smirked. “Arranged love,” he answered in a husky voice. “There’s no love here by the way.” She stared at him intently. “Wala pa sa ngayon, pero hindi magtatagal, mai-in love ka rin sa akin.” She giggled. “Are you sure about that?” “I’ll assure it, sweetie,” tugon nito. “Tungkol sa kasal, nasabi na ba sa iyo ng parents mo na sa papel kita papakasalan at hindi sa traditional na seremonya nila?” Nawindang siya. “What do you mean by that? May simbahan kami. Gusto kong maikasal sa banal na lugar. Importante sa akin na maiharap ako ng lalaking gusto akong pakasalan sa altar at sumumpa sa Panginoon namin na aalagaan niya ako at mamahalin,” protesta niya. “Nakumbinsi ko na ang parents mo at pumayag sila na sa huwis tayo ikakasal. Wala akong relehiyon.” She gasped. “Pero sagrado ang kasal. Kahit sa anong relehiyon, banal ang kasal. Gusto ko pa ring maikasal sa simbahan. Ikaw ang may gustong pakasalan ako kaya ikaw ang mag-adjust. Para sa akin, kahit simple lang na kasal, basta sa simbahan, damang-dama ko ang forever,” giit niya. He caustically chuckled. “Masyado ka naman relehiyosa. Alam mo sa totoo lang; hindi lahat na pumapasok sa simbahan ay banal. Hindi rin lahat na ikinakasal sa simbahan ay may forever. Kaya huwag mo akong pilitin na pakasalan ka sa simbahan dahil una; takot ako sa banal na lugar, masusunog ako. Papakasalan kita sa papel, at least kahit sa papel, kaya kong ibigay sa iyo ang forever,” makahulugang sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. “Ano ka demonyo?” amuse na tanong niya. Tumalim ang titig sa kanya ni Marco. “May demonyo bang ganito ka-guwapo?” simpatikong sabi nito. Napalunok siya. Bigla atang humangin sa paligid. Talaga palang arogante ito. But deep inside, she’s agreed with him. Guwapo ito, not a typical handsome guy that can be generic. His physical appearance was rare, she guessed. “Sige, pero may kondisyon,” aniya pagkuwan. “What was it?” he asked, his left eyebrow lifted. “Hilingin mo sa mga magulang ko na doon mo ako patitirahin sa Pilipinas,” aniya. Marco grinned. “Tapos ko nang hilingin sa kanila ‘yan, sweetie. Kahit naman sa ayaw mo’t sa gusto, doon talaga tayo titira. Doon tayo bubuo ng pamilya natin,” anito. “Pamilya?” Mariing kumunot ang noo niya, naningkit ang mga mata. “Yap. Pamilya. Hindi ba pagkatapos ng kasal may honeymoon? At pagkatapos ng mga paulit-ulit na honeymoon, bubuo tayo ng anak. Ganoon ‘yong proseso ng pag-aasawa ‘di ba?” Bigla siyang nangilabot sa pinagsasabi nito. Ang nasa isip niya’y kasal lang talaga and she’s not obliged to give him a child. Ang dami namang honeymoon ang gusto nito. Baka malusyang kaagad siya nito. “Pinakasalan mo ba ako para lang magkaroon ka ng baby maker?” prangkang sabi niya. “What? Anong baby maker?” natatawang tanong nito. “Wala ka namang gusto sa akin, bakit mo ako papakasalan?” usig niya. “Kailangan bang mabugtuhan muna kita? Saka na natin asikasuhin ang mga puso natin kapag tali na tayo sa isa’t-isa, para kahit anong tingin natin sa iba, may lilingunin at lilingunin tayong responsibilidad,” seryosong sabi nito. Sumimsim ito ng red wine. “Isa pa palang hiniling ko sa mga magulang mo, doon tayo ikakasal sa Pilipinas,” anito. “Ano? Bakit?” Nawindang siya. “Wala kasing divorce roon. Para kahit asiwang-asiwa ka na sa akin, hindi ka basta makakawala. Gagawa ako ng rules and regulations sa pagsasama natin. Dapat sundin natin ‘yon.” Napanganga siya. Ibang klase rin ang isang ito. “Bakit ikaw lang ang gagawa?” “Kung gusto mo gumawa ka rin ng sa iyo. Irerespeto ko ang gusto mo. Pero uunahan na kita, huwag mo akong limitahan kung kailan kita gagalawin.” “Anong gagalawin? Saan?” maang niya. “Sa kama.” Napamata siya. Uminit bigla ang kanyang mukha. “Huh! You’re just kidding,” aniya. “No, I’m serious about it. Ah, hindi lang pala sa kama. Puwede rin kitang galawin sa banyo, sa sala, sa kusina, o kahit saan na magustuhan ko,” dagdag pa nito. “Ito pa pala, huwag mo rin akong limitahan sa mga posisyong gusto ko.” “f**k!” “You wanna f**k me, or I’ll f**k you?” walang abog na sabi nito. Namilog ang mga mata niya. Bigla na lamang namawis ang mga palad at talampakan niya. Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa nagliliyab na apoy. Nati-tense siya. “Are you insane? Paano kung ayaw kong magpagalaw kung kailan gusto mo? Kapag pinuwersa mo ako, puwede kitang sampahan ng kasong rape!” buwelta niya. Ngumisi ito. “Kaya mong gawin ‘yon? Asawa mo sasampahan mo ng kasong rape?” Hindi siya kaagad naakimik. Uminom siya ng tubig dahil biglang nanuyot ang lalamunan niya. Isang bangungot ang pagpapakasal sa lalaking ito. “I will do if it’s necessary. Kahit asawa, once pinuwersa mo ang partner mo na makipagtalik kahit ayaw niya, it’s a rape,” giit niya. “I know. Wala naman akong sinabi na pupuwersahin kita. Of course, I will ask your permission, but you have to be fair to me.” Nag-init ang bunbunan niya. “Alam mo, kung puwede ko lang suwayin ang mga magulang ko, gagawin ko,” inis na sabi niya. “Bakit hindi mo gawin? May panahon ka pa para tumakas.” anito. “Wala akong pambabayad sa utang na loob sa kanila.” Tumawa ito nang pagak. “‘Yan ang problema sa inyong mga tao, eh, ang hilig ninyong ikulong ang sarili sa utang na loob. Magkano ba ang utang na loob mo sa kanila?” “Wala iyong katumbas na halaga.” “So, no choice ka na. Huwag kang mag-alala, hindi ako marunong manakit ng babae. Sa halip, paliligayahin pa kita,” anito. “Gawin mo na ang rules and regulations nang mabasa ko habang hindi pa tayo kasal.” “Okay. Paano kung hindi mo magustuhan? Susuwayin mo ba ang mga magulang mo?” “Kung talagang hindi ko masikmura ang rules, baka magbibigti na lang ako.” Humalakhak si Marco. In fairness, his laugh sounds sensual and sexy. Na-distract tuloy siya. “Huwag kang magbigti, sayang. Hindi ka magiging masaya sa impiyerno. Walang guwapong demonyo roon,” sarkastikong sabi nito. Pinagtirikan niya ito ng mga mata. “Magaling akong magpatirik ng mga mata ng babae. Ugali mo pala ‘yan, ah. Sige lang, ibibigay ko sa iyo ang luho mo,” anito. Nag-init lalo ang bunbunan niya. Saan ba nagmulang lahi ang lalaking ito? Hindi na lamang siya umimik. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo ng salad. Tahimik na ring kumakain si Marco. “Kung gusto mo talagang mag-stay sa Pilipinas, magpatayo ka na lang ng law office mo roon. Maraming magtitiwala sa iyo dahil sa London ka nag-aral. May kaibigan din akong laywe, puwede ka niyang ipasok sa law firm na alam niya,” mamaya’y sabi ni Marco, na bumasag sa may isang minutong katahimikan. “Ganoon din ang balak ko.” “Malay mo, magkita kayo ulit ng totoo mong ina. Posibleng mangyari ‘yon,” anito. Sinalinan nito ng wine ang walang lamang goblet niya. “Saan ba kayo nakatira dati sa Pilipinas?” “Sa Laguna.” Kinuha kaagad niya ang baso ng wine saka mahinsing sinimsim. “Ano ba ang pangalan ng nanay mo?” “Trinidad Ramos.” “Ah. Mas madali lang siya mahanap kapag naroon ka na. Tutulungan kita na mahanap siya,” anito. “Hindi ko nga alam kung buhay pa siya.” “Kaya nga hahanapin natin.” Sandali niya itong tiningnan. Pagkuwa’y hiniwa na nito ang munting chocolate cake at sinalinan ang plato niya. Sinusundan lang niya ng tingin ang bawat galat ng mga kamay nito. “Mahilig ka ba sa sweets?” tanong nito. “Hindi masyado.” “Anong gusto mong pagkain?” “Mahilig ako sa pagkaing maalat at maasim. Hindi ako mahilig sa meats. Mas gusto ko ng gulay. Hindi rin ako masyadong kumakain ng kanina. Pasta ang carbohydrate ko or potatoes.” “Pareho pala tayo. Italian foods ang gusto ko. Marunong ka ba magluto?” Nahiya naman siya sa tanong nito. Ni pagsasaing nga hindi pa niya magawa ng tama. Magmula pagkabata ay hindi talaga siya nakasubok magluto. Kahit pagpiprito nga lang ng itlog ay takot pa siyang gawin. “Wala akong alam sa pagluluto,” aniya. “Patay tayo diyan,” bulalas nito. Inirapan niya ito. “Hindi ako naturuan magluto. Pag-aaral lang ang inatupag ko.” “Magugutom pala tayo nito kung sakaling ma-trap tayo sa isang isla. Mahilig pa naman akong kumain.” “Puwede naman tayong mag-hire ng taga-luto o kaya’y mag-order ng pagkain sa labas.” He smirked. “Hindi ako sanay na ganoon. Una; hindi ako nagpapatira ng ibang tao sa bahay ko. Pangalawan; gusto ko nakikita ko kung paano inihahanda ang kakainin ko. Kumakain ako sa mga restaurant at party, pero piling-pili lang ang kinakain ko.” “Masyado ka namang maselan.” “Hindi naman sa maselan. Allergic kasi ako sa bawang. Lason sa katawan ko ang bawang. Kaya gusto ko masiguro na ang kakainin ko ay walang sangkap na bawang.” “Bakit, aswang ka ba?” Ngumisi ito. “May guwapo bang aswang?” simpatikong sabi nito. Malakas-lakas din talaga ang hangin nitong lalaking ito. Pero may karapatan naman itong magbuhat ng sariling bangko. Kita naman ang ebidensiya. “Problema mo ngayon ‘yan dahil ako ang pinili mong pakasalan,” aniya. “Okay lang. Ang mahalaga akin ka. Puwede ka namang mag-aral sa culinary school. May six month offer doon sa Pilipinas. Hindi naman siguro makakasira sa buhay mo kung mag-aaral ka ng pagluluto.” “Wala akong tiyaga mag-aral ng pagluluto.” “Gusto mo ako ang mag-aral tapos tuturuan na lang kita?” “That’s up to you,” walang interes na sagot niya. “May kaibigan akong marunong magluto, siya na lang ang magturo sa ‘yo.” “Bahala ka nga.” “Oh ‘di sige. Ako na ang bahala.” Hindi namamalayan ni Leslie na nag-e-enjoy na siya sa company ni Marco. Hindi ito nakakainip kausap kahit minsan ay nakakapikon. She loves the way he talks, very natural. Pagkatapos nilang kumain ay hindi pa umuwi si Marco kahit ito na lang ang naiwang bisita nila. Nakialam pa ito sa mga gamit niya sa study room. May mga musical instrument kasi siya roon. Ginamit nito ang piano niya. Namangha siya nang marinig ang tugtog nito. Marunong din pala ito at ang ganyda ng napiling piyesa. “I love music, lalo na kapag likha ng piano. Napaka-refreshing kasing pakinggan. Mahilig ka rin pala sa music?” anito habang patuloy sa pagtipa sa piano. “Ngayon lang ako nagkahilig sa music dahil nakatagpo ako ng bagong stress reliever sa pakikinig ng music. Nang malaman ng papa ko na ginagamit ko ang lumang piano niya, ibinili niya ako ng bago. Binilihan din niya ako ng gitara at violin.” “Magkakasundo rin pala tayo. Kapag kasal na tayo, mas marami kang matutuklasang mabisang stress reliever, physically and emotionally.” Ngumisi siya. “Baka nga lalo akong ma-stress,” aniya. “Sinasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa naranasan. Maraming magbabago sa katauhan mo kapag nag-asawa ka na. Magbabago ang lifestyle mo, ang ugali mo, at ang mga hilig mong gawin.” Itinigil nito ang pagtugtog. Tumayo ito at humarap sa kanya. “Alam mo, naku-curious talaga ako sa mga mata mo. Bakit hindi pareho ang kulay? Ang isa, gray, at ang isa ay light brown. Para kang pusa na may heterochromia, magkaiba ang kulay ng mata,” anito. Akala niya hindi nito napapansin ang mga mata niya dahil hindi ito nagre-react. “Hindi ko rin alam kung bakit. In-born na raw ito sabi ng nanay ko.” “Mabuti hindi ka tinutukso ng mga kaklase mo.” “Noong high school, palagi akong tinutukso na alien daw ako. Mailap din ang mga kaibigan sa akin. Minsan pa nga akong nadala sa guidance dahil may nasatan akong kaklase.” “Paano mo siya nasaktan?” “Hindi ko rin maintindihan kung paano. Tinitigan ko lang siya nang masama tapos bigla na lang siya namilipit sa sakit ng tiyan at nagsuka ng dugo. Wala naman akong ginawa sa kanya sa pisikal.” “Ah. Baka may sakit lang talaga ‘yong kaklase mo,” sabi lang nito saka siya nilagpasan. Hinabol niya ito ng tingin. “Aalis na pala ako. Salamat sa masarap na hapunan at congrats! See you when I see you, sweetie!” anito habang papalabas ng pinto. Hindi na siya nag-abalang sundan ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD