BUMITIW si Marco kay Leslie nang maramdaman niya ang biglaang pag-init ng temparatura nito. Dahil hindi pa rin nagkakailaw, napilitan siyang magpalit ng anyo upang makita niya ang paligid. May mga kagamitang nababasag dahil sa lakas ng pag-alog ng sahig. Nagulat siya nang pagtingin niya sa kanyang tabi ay wala na si Leslie. “Leslie!” sigaw niya habang sinusuyod ang paligid. Naagaw ang atensiyon niya nang mamataan niya’ng bumubula ang tubig sa loob ng incubator ng anak niya. Pinindot niya ang emergency bottom upang matawag ang pansin ng mga kasama niya na naroon sa mansiyon. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. “Leslie!” Paglingon niya sa gawi ng pinto ay may namataan siyang babae na nakatayo roon. Hindi niya pamilyar ang bulto nito. Hindi na masyadong maaninag ng paningin niya sa