bc

Magkapatid

book_age18+
11.5K
FOLLOW
57.1K
READ
cheating
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng dalagang naninirahan sa nasasakupang lupain ng mga Montenegro si Aurora.

Sa isang pagsalo salo ay naimbitahan siya sa mansyon ng mga Montenegro. Isang gabing nagpabago ng kanyang buhay mula nang makilala niya ang magkapatid na si Manuel at Ezekiel.

Natuklasan niyang may kakaibang nararamdaman ang magkapatid sa kanya. Natuklasan niyang may lihim rin siyang pagmamahal sa isang Montenegro.

Paano niya ipaglalaban ang pag ibig na iyon na walang sinasaktan sa Magkapatid?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer: This is a work of fiction. Names characters,businesses, places ,events and incidents are either the products of the authors imagination or uses in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons ,living or dead ,or actual events is purely confidential. Not suitable for a young readers. Read at your own risk. R(18) ©All rights reserved.                                                                 Sa isang probinsya nang Maynila. May isang masagana at mapayapang bayan. Tago ito at pinakadulo na kung saan makikita ang kalawakan nang karagatan. Kung saan makikita ang kagandahan nang kabundukan.       Dito ako lumaki at nakita ko ang unti unting paglago nang Hacienda Montenegro. Isa ako sa mga tumutulong sa pag gawa nang organik na banig, bayong ,mga upuan na gawa sa matitibay na kahoy galing pa sa kabundukan nang aming bayan.     Masasabi kong kontento ako sa buhay probinsya dito. Masagana sa pamumuhay at likas na yaman. Ang lolo at lola ko ang nagpalaki sa akin nang mamatay ang ama at ina ko sa pagkasunog noon sa kagubatan. Dahil nasa gitna nang gubat ang aming bahay hindi iyon nakaligtas sa walang awa na apoy.      Onse anyos ako nang maulila at kinupkop nang aking lola at lolo at dinala dito sa patag mula sa bundok.Wala kasi silang kasama lalo na't nag iisang anak nila si Ama. Tumutulong ako sa pag ani nang mga palay kay lolo. Tumutulong ako sa pag gawa minsan nang bayong at banig kay lola. Nakatulong iyon sa aking pag aaral dahil sa likom na pera galing doon.     Maraming taga dito sa amin ang lumuluwas pa Manila. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang lumuwas kung sagana naman ang bayan na ito. Base sa mga naririnig ko sa aking ka klase. Matatayog daw ang mga buildings sa Manila. Maraming oppurtunidad na magkatrabaho , ang ibang kilala ko doon nag kolehiyo.     Minsan na akong nagkaroon nang kuryusidad kung ano ba talaga ang Manila. Ano ba ang sinasabi nilang building na maraming ilaw at maraming inumin?    Napatingala ako sa matayog na araw. Napapikit ako sa sobrang silaw nun. Yumuko at pinunasan ang pawis sa aking noo. Sinikop ko ang mga nagawang bayong at tinungo ang kamalig nila lola at iba pa niyang kaedaran.    "Tapos na ako, lola." Pinagmalaki ko ulit ang gawa ko. Napatingin sila sa akin at ngumiti.   "Tessa ka'y gandang bata nitong si Kim bakit hindi mo ipadala sa Manila?" Sabi nang isang kaibigan ni lola.Nilapag ko ang bayong at iba pa sa mesa at nakinig sa kanila. Hindi na bago ito sa akin. Palagi ako nakakarinig nang papuri.    "Oo nga Tessa, tsaka malaki at dalaga na wala pa ba itong kasintahan? Naku, ang ganitong dalaga e' iniingatan. Tignan mo naman! matangos ang ilong. Ang pilik mata ang hahaba! ang mata niya parang manika! ang katawan walang panama ang mga modelo sa toothpaste! naalala ko tuloy ang kadalagahan ko." dagdag nang isa pa. Napapangiti nalang ako sa mga naririnig.   Umiiling na tumawa si lola. "Alam niyo, nag iisa nalang itong si Kim sa amin kaya todo alaga ko ito. Kaya nga ako kayod nang kayod para makapasok siya sa kolehiyo. Mataas ang matrikula ngayon.Hindi pwedeng high school graduate lang kahit ito nalang yung tagumpay namin nang lolo niya."   Napahinga ako nang malalim. Sana nga makapag ipon kami para sa pasukan. Gusto kong ibalik ang lahat na tulong nila lolo at lola sa akin. Ayoko silang biguin.   "Huwag kayong mag alala lola! Mag- papart time job po ako para kahit papano may idagdag ako sa gastusin sa eskwela."   "Ang bait mo talaga Kim! sana ganyan din yung anak ko pero matigas ang ulo non! kaya ayon buntis!"   Nagpatuloy ang usapan habang ginagawa nila ang ibang proyekto. Sa kabila nang pag gawa nang mga organik na bagay ay isa din si lola sa namamahala nang kalupaan nang Montenegro. Siya iyong leader nang umaani at nag aalaga nang palayan nang mga Montenegro ganon din si Lolo.   Pagpasok sa aming bahay na gawa sa nipa at kahoy. Nakita ko si lolo na naglilista at nag bibilang nang babayaran.   "Wow! ang dami nating pera lolo ah!" sabi ko rito at tumabi nakita ko si lola na naghahanda nang bayong at bracelet na minsan na naming ginawa yari sa mga shells sa dagat na ako pa ang pumulot.      "Para ito sa iyong pag kokolehiyo itatago natin ito ang iba sa ilaw at pagkain na natin."     Nawala ang ngiti ko sa labi nang makaramdam nang sobrang awa sa pamilyang meron ako ngayon. Hindi man kami mayaman pero mayaman kami sa pagmamahalan. Wala man kaming pera pero walang katumbas ang aming paghahalaga. Sobrang swerte ko sa kanila.    "Salamat lolo! hayaan niyo! pag nakapagtapos ako nang kolehiyo luluwas tayo nang Manila! Doon ako magtatrabaho sa kompanya nang mga Montenegro at palagi ko kayong igagala!"    "Naman! Apo!  kaya kayod lang nang kayod! malakas pa kaya kami sa kalabaw!"   Sabay sabay kaming tumawa ni lolo at lola. "Ayan...dadalhin natin iyan!" Nilapag ni lola sa mesa ang nakasupot na bayong at mga bracelet. "May handaan mamaya para sa ating mga haciendera at haciendero nila Senyora Patricia at Senyor Juanito. Ibibigay natin iyon. Sobrang bait pa naman nang mga iyon."      Noon minsan ko nang nakasalamuha ang mag asawang Montenegro sa pagtitipon nila noon. Tuwing pasko imbetado kaming lahat sa mansyon nila at sabay sabay kami sa selebrasyon nang pasko. Maalaga ang mga Montenegro sa mga tao nila. Dinig ko rin na bibigyan daw akong scholarship ni Senyor Juanito pero hindi pa na kumpormi iyon. Pero sana totoo para libro nalang at ibang gastusin yung babayaran namin.    Hindi na kami naghapunan sa bahay dahil doon na kami kakain sa mansyon. Tingin ko tulad parin iyon nang dati. Sa likod parin iyon nang mansyon nila kung saan may malawak na lupa at maraming bulaklak. Naiisip ko palang iyong pagkain nagugutom na ako.   Nagsuot ako nang luma kong dress na kulay puti. Nang nasuot ko na...napahinga ako nang malalim. Hinila ko iyon pababa dahil sa ilang taon na lumipas umiksi na iyon sakin. Offshoulder iyon at hanggang hita ko nalang..   "Lola! hindi na siya kasya." sabi ko kay lola at napatingin sa akin.   "Ang sexy naman nang apo ko mana talaga sa akin! Okay na iyan! halika ka! Suklayin ko ang buhok mo!"      Sinuklay nito ang buhok ko at hinayaan na nakalugay at hindi pinuyod. Mas nadepina ang alon alon nito. Nagsuot rin ako nang sandals na tinatali pa. Si lolo ang nagregalo sa akin noong isang taon lang kaya kasya pa. Bukod tanging sandal ko na kasya sa akin.    Tulad nang inaasahan ko doon nga ulit ang salo salo. Mahaba ang mesa na may mga taong nakaupo na puro rin mga taohan nang mga Montenegro na mga kilala rin namin. Umiilaw ang mga dahon nang bulaklak dahil sa mga palamuti. Nag iingay na ang mga tao at may kanya kanya nang pinag uusapan. Tulad din nang dati may inuman rin.   Agad kami nakihalo sa grupo nang mga kaedaran ni lola. Si lolo pumunta na sa mga kaibigan nito sa kabilang mesa. "Oh! dinala mo pala si Kim! ka'y gandang dilag talaga!" doon ko na napansin na marami palang nakatingin sa akin lalo na mga lalaki kabilang na roon si Bryan. Ang manliligaw ko na hindi ko masuklian ang sinasabi niyang pagtingin sa akin. "Syempre naman mana sa akin!" pagmamalaki ni lola Tessa sa akin.   Nagkakatuwaan ang lahat nang magsimula ang salo salo. Nakita kong lumabas si Senyora Patricia kasama ang asawang si Senyor Juanito. Nagasitayuan ang palakpakan nang lahat. Nagtilian ang mga kadalagahan nang makita ang nagtatangkarang anak nang mag asawa.   Sobrang seryoso nang dalawang anak nila na mga binata na. May mga lumapit doon na isang pamilya at nakipag halubilo.   Nakatuon lang ang tingin ko sa magkapatid na minsanan ko lang talaga makita lalo na't minsan lang sila dito umuwi.   "Diyan kalang muna Kim  Aurora ha?! Ibibigay ko lang ito kay senyora!" Sabay pakita nang bayong at bracelet na nasa supot.   "Opo lola!"    Inabala ko ang sarili ko sa pagkain nang makaramdam ako nang pagka ihi. Magalang na lumisan ako sa mesa namin at tinungo ang banyo rito banda sa likod nang mansyon minsan ko na kasi iyong napuntahan. Malamig man ang gabi pero nakaramdam ako nang init kaya pinuyod ko ang buhok ko gamit ang ipit ko na palaging nasa aking kamay kahit buhaghag na pag ipit lang iyon hinayaan ko na. Isang liko ang ginawa ko patungo sa banyo nang makarinig ako nang ungol na tila nasasaktan. Lumaki ang aking mata at natutop ang bibig. Sobrang kaba ko at dahil sa nerbiyos kinuha ko ang dustpan na nakita sa gilid at inihanda ang sarili. Sa mga pelikula sa tv na nakita ko ganitong ganito yung ungol nang babaeng nasasaktan eh. Mas kinabahan ako nang halos sumigaw na ang babae at tila hapong hapo ito. Nangingilid na ang luha ko lalo na't walang ilaw sa bandang dito. "Uhh! you like it?" Napatigil ako nang marinig ang boses nang lalaki. Tapos simula na namang magsusumigaw ang babae. Nang marating ang pinanggalingan nang boses na iyon hindi na ako nag dalawang isip na hampasin ang lalaking nasa likod nang babae? huh? babae na naka maid na uniform at nasa baba ang....ang panty? "H-Hala..." halos mamula ako nang matanto ng ginagawa nila. Huli na nga pero pinikit ko ang mata. Lalo nang makilala ko ang lalaki kung sino iyon.. Tumalikod ako. Sa sobrang kaba ko umiinit ang aking mukha. Hindi ko alam kung bakit. First time ko talagang makakita na ganon. Hala! Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan nang marinig ang boses niya sa likod ko. "Who are you." Tanong nang lalaking anak nang mag asawang Montenegro. Hindi ako nag abalang tignan siya. " Ah..isa po s-sa mga haciendera po." nauutal na sagot ko. Narinig ko ang yapak niya palapit. "What are you doing here? trying to peep a look?" Mapanuya ang boses nito at narinig ko ang kakaibang accent niya sa englis. "H-Hindi ko talaga sadya.. Papunta akong banyo." "Show me your face.."  mando nito sa akin na tila ba sanay na sanay mag mando. "Don't make me repeat myself little girl." dagdag pa nito na kinalabog nang dibdib ko kaya agad akong humarap pero nakayuko. " P-Pasensya na.." sabi ko rito pero hindi ito nagsalita. Nag angat ako nang tingin at nakitang seryoso itong nakatingin sa akin. Ako naman parang nahipnotismo sa taglay nitong kagwapuhan. Wala narin iyong maid na kanina nakatuwad. Naku! Mas naguilty ako nang makitang may dugo ang kilay nito. Doon ko yata natamaan nang dustpan. "Sorry.." Sabi ko agad.. Natigil ang hininga ko nang mabilis itong lumapit sa akin. Agad naman akong umatras na ikinahilig ko sa malamig na dingding. Ito ang unang pagkakataon na may nakalapit sa akin na lalaki na ganito ka intimite. Lalo na itinuko niya ang kamay sa ibabaw nang ulo ko at hinawakan ang aking baywang.. Mawawalan yata ako nang hininga nang sumayad ang labi niya sa tenga ko "What's your name?" he whispered. "K-Kim Aurora.." nauutal na sagot ko. Nagbigay ito espasyo sa wakas. "Bata kapa nang huling makita ko." Napalunok ako sa sinabi nito at tumango rin. Naputol ang pag uusap nang may tumawag sa lalaking to. " Stop fucking around Ezekiel. Mom's wants you." Napayuko ako nang marinig ang boses nang nakatatanda nitong kapatid. Pumikit nang mariin si Ezekiel at nagmura. "Damn Manuel! ang kj!" "Leave the girl Ezekiel." Dagdag pa ni Manuel tila nagbabanta.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.4K
bc

NINONG II

read
618.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.6K
bc

The Professor's Wife

read
449.4K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook