Third Person POV Magkatapat na nakaupo sina Beth at Julie sa sala, parehong may halong pagkainip at kaba ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Tahimik ang paligid dahil silang dalawa lamang. “Julie,” mahinang tawag ni Beth, ngunit may diin. “May balita ka ba kina Keanne at Eliza?” Bahagyang napaayos ng upo si Julie, saka umiling habang iniikot ang strand ng buhok sa daliri niya. “Wala po, Tita… as in totally wala. Sabagay, hindi ko kasi natatawagan si Kuya Keanne." Napasimangot si Beth. “Hindi puwedeng wala. Tawagan mo si Keanne. Ngayon na.” Nagkibit-balikat si Julie, ngunit agad din niyang kinuha ang cellphone. “Fine… I’ll call him po, Tita.” Pinindot niya ang pangalan ni Keanne at inilapit sa tainga ang cellphone. Ilang segundo rin nag-ring bago ito sinagot. “Hello.” malamig na

