Eliza's POV Dahan-dahan akong bumalik sa bench. Nadatnan ko si William na nakaupo, may hawak ng ice cream. Pagkakita sa akin, iniabot niya kaagad sa akin ang ice cream. “Para sa’yo.” nakangiting sabi niya. Tinanggap ko iyon. “Salamat.” “Sinong tumawag?” tanong niya. “Si Keanne,” tipid kong sagot tsaka umupo sa tabi niya. “Hinahanap ka na niya?” “Ahm, oo eh. Tinanong niya kung nasaan ako. Pupuntahan niya raw ako. Ewan ko lang kung makakapunta siya. Sa dami niyang ginagawa, malabo sigur—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapatingin sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Keanne. Ilang minuto pa lang simula ng tumawag siya bakit nandito na kaagad siya sa aking harapan. Seryoso ang mukhang nakatingin sa amin ni William. “Mukhang hindi marunong magbiro ang asawa

